575 total views
Ang bigas ay staple na sa ating hapag-kainan. Hindi kumpleto an gpa gkain ng karaniwang mamamayang Pilipino kung wala ito. Ngunit sa bawat pagkain natin ng unli-rice, naiisip ba natin ang hirap na dinadanas ng mga rice farmers ng atingbayan?
Kapanalig, ayon sa datos ng International Rice Research Institute (IRRI), tinatayang 2.4 million angmga rice farmers sa ating bayan. Marami silang kinakaharap na isyu. Isa nadito ay ang maliit na sakahan.
Karaniwangnasa 1.4 hectares ang kanilang taniman. Ang maliit na farm size syempre, mas maliit din ang produksyon. Maliban dito hindi nagiging cost-effective o efficient ang pag gamit ng mga mekanismoo makinarya para sapagsasaka, nasana’y mag papabilis ng mgagawainsasakahan.
Ang pag-exit ng mga supling ng mga rice farming families tungo sa mga trabaho sa service at industrial sectors ay nakaka-apektonarinsa rice farming. Noong 1979, ang average age ng farm operator ay 43, ayonsa IRRI. Noong 2011, naging 59 ito. Isang taon na lamang, abot na ang retirement age. Kulang na ngayon ang mga magsasaka. Matatanda na rin ang naiwan upang ipagpatuloy ang gawain sa mga rice farms.
Mataas din ang presyo ng fertilizer sa ating bayan. Isa ito sa mahahalagang inputs upang mapataas ang produksyon. Hindi ito maabot ng karamihan sa magsasaka, kaya’t ayon sa sa isang pag-aaral ng Philippine Institute of Development Studies, ito ay isa sa maaringrason kung bakit maraming mga magsasakaang nag-u-under apply ng mga fertilizer sa kanilang mga sakahan.
Ang government support din ay mahalaga para sa mga magsasaka. Ito ay naging ramdam na ramdam lalo na noong panahon ng El Nino, kung saan natuyo ang pananim ng marami nating kababayan.
Ito ay ilan lamang sa mga isyu na kanilang hinaharap. Nakakapanghinayang dahil kahit pa malakiang demand sabigas ng ating bayan, hindi natin ito mapunan. Kahit pa tumaas ang ating produksyon nitong 2014, mas mababa pa rin ito sa mga produksyon ng mga rice producers sa East at Southeast Asia, gaya ng Vietnam at Indonesia.
Kapanalig, sayang naman kung mawawala o tuluyan nang hihinaang rice farming sa ating bansa. Huwag natin hayaan itong masapawan ng mga iba pang bansa, lalo’t pa tayo dati ang nangungunang rice producers sa rehiyon, kundi man sa mundo. Ang rice farming ay isang subsector na dapat tutukan ngayon ng bagong administrasyon.
Si Pope Francis ay nagbahagi ng kanyang pag-aalala sa nawawalang industriya ng pagsasaka, nasanay’ pagnilayan natin ang aplikasyon sa sitwasyon ng ating mga rice farmers: I am concerned about the eradication of so many brother farm workers who suffer uprootedness, and not because of wars or natural disasters. The monopolizing of lands, deforestation, the appropriation of water, inadequate agro-toxics are some of the evils that tear man from the land of his birth. This painful separation is not only physical, but existential and spiritual,