411 total views
Ang deklarasyon ng Kanyang Kabanalan Francisco ng Year of Amoris Laetitia ay panawagan upang bigyang halaga ang mayamang turo ng Simbahan sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Ito ang pagninilay ni Archdiocese of Manila Archbishop-elect Jose Cardinal Advincula sa paggunita ng Simbahan ng Year of Amoris Laetitia at ika-5 anibersaryo ng pagkalathala ng nasabing Post Synodal Exhortation ng Santo Papa Francisco.
Ayon sa Cardinal, ang panawagan ni Pope Francis sa muling pagninilay sa kanyang Post Synodal Exhortation na Amoris Laetitia ay paalala sa pagsusulong ng turo ng Simbahan sa pagpapatatag ng ugnayan lng bawat pamilya na humaharap sa iba’t ibang salik na nagdudulot ng pagkawasak at pagkasira ng mga samahan.
“The call of Pope Francis to reflect on Amoris Laetitia as we celebrate the 5th anniversary of his Post Synodal Exhortation urges us once again to value the richness of the church’s teaching on marriage and family, it does not offer us a fundamentally teaching but it offers us a pastoral understanding and approach characterize by greater charity towards our relationship and families and greater fidelity to the Gospel.” pahayag ni Manila Cardinal Advincula.
Ipinaliwanag ni Cardinal Advincula na hindi kailanman naging bulag ang Simbahang Katolika sa reyalidad ng mga salik na nakakaapekto sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Inihayag ni Cardinal na batid ng Inang Simbahan ang pangangailangan na higit na matutukan ang pagpapatatag sa bawat pamilya na higit na humaharap sa iba’t ibang mga suliranin lalo na sa kasalukuyang modernong panahon at krisis na dulot na rin ng pandemya.
“As we open our minds and hearts in the rich condense of this topic we realized that our Mother Church is not blind to the realities of marriage and family but rather sees clearly the joys and sorrows, the opportunities and challenges of marriage and family in various actual life situations, she sees our growing phenomenon in our midst all throughout the world.” Dagdag pa ni Cardinal Advincula.
Kabilang sa mga sitwasyong tinukoy ng Cardinal ay ang paghihiwalay ng mga pamilya dahil sa hindi pagkakasundo, ang hindi pag-aanak ng mga mag-asawa upang maiwas sa responsibilidad ng pag-aalaga at pagpapalaki sa isang bata at ang pagsasama sa labas ng sakramento ng kasal. Paliwanag ni Cardinal Advincula, ang Salita ng Diyos ay tuwinang napapanahon upang magsilbing gabay para sa maayos at matuwid na pamumuhay ng bawat isa na nakabatay sa plano ng Panginoon.
Umaasa naman ang Cardinal na bilang mga katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ay magsilbing ilaw ang bawat isa na maghahatid ng liwanag at gabay sa lahat ng mga nabubuhay sa dilim papalapit at pabalik sa piling ng Panginoon.
“In this dark world we find ourselves in particular we are light bearers to our brothers and sisters who’s marital relationship and family situations are in need of our pastoral care, as pastoral workers in our respective capacities let us be Christ’s merciful light, heart, hands and feet to them all but most especially to those in most challenging situations then we shall be like little candles that can make this world bright once again, once again with light of Christ.” Ayon pa kay Cardinal Advincula.
Idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Year of Amoris Laetitia mula ika-19 ng Marso ng kasalukuyang taon na magtatagal hanggang ika-22 ng Hunyo ng susunod na taong 2022 upang gunitain ang ika-5 anibersaryo ng pagkalathala nito. Layunin din nitong higit maipalaganap ang nilalaman ng Amoris Laetitia na magpapalakas ng samahan ng bawat pamilya bilang isang pundasyon ng matatag at maunlad na lipunan.