645 total views
Pangungunahan ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang ‘Bike 4 Kalikasan’ upang isulong ang kamalayan ng pangangalaga sa kalikasan kasabay ng pagdiriwang sa Season of Creation.
Ayon kay Caritas Philippines national coordinator Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang 32-kilometrong bike caravan ay kabilang sa mga konkretong hakbang ng simbahan para sa pandaigdigang layunin ng ecological transformation.
“This is to show that we are serious in our stance to fully enforce the 2022 CBCP pastoral statement on ecology, as much as we are demanding in calling on our government to take action against ecological injustices,” pahayag ni Bishop Bagaforo.
Magsisimula ang “Bike 4 Kalikasan” sa ganap na alas-singko ng umaga mula sa Manila Cathedral sa Intramuros hanggang La Mesa Dam Nature Reserve Eco Park sa Quezon City sa October 8.
Sinabi naman ni Caritas Philippines executive director Fr. Antonio Labiao, Jr. na ang bike caravan ay panawagan din para sa inisyatibo ng social arm ng simbahan sa environmental advocacy sa ilalim ng Alay Kapwa – Alay para sa Kalikasan program.
Kabilang rito ang pagtalikod mula sa fossil gas, coal, mining, at iba pang extractive industry, pagsusulong sa Rights of Nature policy campaign, renewable energy transition, at food security sa pamamagitan ng sustainable farming.
“We are also taking principled cooperation with our government to work with this project, as we will be working closely with the Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, and Department of Interior and Local Government, as well as with the private sector,” ayon kay Fr. Labiao.
Samantala, isasagawa rin kasabay ng bike caravan ang paglulunsad sa Caritas Bamboo Forest Project sa pakikipagtulungan sa mga Diocesan Social Action Centers.
Iginiit ni Bishop Bagaforo na sa halip na puro salita lamang, mas makabubuting kumilos na at mas dagdagan pa ang pagsisikap na isulong ang mga adbokasiya para sa kalikasan.
“After all, we are a working, living Church. What good will our words bring if our planet is dead,” ayon kay Bishop Bagaforo.
Para sa mga nais makibahagi sa Bike 4 Kalikasan campaign, bisitahin lamang ang Caritas Philippines facebook page para sa iba pang detalye.