205 total views
Humiling ng panalangin ang dating Opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) dahil sa banta sa kanyang buhay.
Si Fr. Amado Picardal, dating Executive Director ng CBCP-Episcopal Commission on Basic Ecclesial Communities ay kilalang kritiko ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga pagpaslang kabilang na ang kampanya kontra droga.
“Two weeks ago (August 11), I almost became a victim of extrajudicial killing and the 4th Priest to be killed under the Duterte Regime had I stuck to my routine,” ayon sa blog spot (Coming Down the Mountain, Evading the Death Squad) ni Fr. Picardal
Dagdag pa ng pari, nakumpirma niya na kabilang siya sa ‘target’ ng sinabing miyembrong ‘Davao Death Squad’ na inuugnay sa Pangulong Duterte.
“Then on the evening of August 11, the Security guard informed me that there were six men on three motorbikes with full-faced helmets near the entrance of the Monastery and the Church between 5 pm to 6 pm that afternoon. That was usually the time I would go out to the supermarket and the coffee shop. I immediately concluded that they were the death squad and I was the target. Had I gone out, there would have been no escape for me. I recognized their modus operandi – that’s what I learned from a former member of the Davao Death Squad when we were documenting the extrajudicial killings years before. It was a close call. I thank God for protecting me,” ayon pa kay Fr. Picardal.
Ang pari na dating nakatalaga sa Davao ay nagtipon ng mga ulat hinggil sa mga biktima ng DDS simula 1998 hanggang 205.
Kwento ng pari, ilang araw nang aali-aligid ang ilang kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa Redemptorist church at monasteryo sa Cebu City na karaniwang niyang pinupuntahan matapos na piliin nitong mamuhay sa pananalangin matapos ang kaniyang 75 taong kaarawan.
Si Fr. Picardal ay tinagurian ding bilang ‘the biking priest’ o nag-iikot sa bansa sa pamamagitan ng pagbibisikleta sa pagsusulong ng adbokasiya para sa kapayaaan.
Una na ring nagsagawa ng ‘Day of Mourning and Reparation’ ang Simbahang Katolika noong Hulyo para sa sama-samang panalangin bilang panawagan na mahinto na ang karahasan sa bansa.
Bukod sa 23,000 napatay sa ‘drug war’, tatlong pari na rin ang napatay kabilang sina Fr. Marcelino Paez, Fr. Mark Ventura at Fr. Richmond Nilo.