252 total views
Nanawagan na ng tulong ang iba’t ibang Social Action Centers (SAC) ng simbahan ng iba’t ibang lalawigan para sa pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Tisoy.
Sa Archdiocese ng Caceres ay nakapagsagawa na ng relief operations mula kanilang standby relief subalit marami pa ang hindi nahatiran ng tulong.
Ayon kay Fr. Marc Real, SAC director ng Caceres- 65 na porsyento sa 92 mga parokya sa kanilang nasasakupang distrito sa Camarines Sur ang naapektuhan ng bagyo at kalahati sa mga ito ang higit na napinsala ang mga bahay, gusali lalu na ang mga pananim na kanilang ikinabubuhay.
“Half of those affected are badly damaged- houses, infrastructure (electricity & communications) and most of all, agriculture and livelihood. Til now meron pang flooding sa Rinconada areas,” ayon kay Fr. Real.
Kabilang sa mga higit na pangangailangan sa kasalukuyan ay mga pagkain at tubig lalut may mga lugar pa ring lubog sa baha, walang kuryente gayundin ang mahirap na komunikasyon.
“We have prepared as food packs and delivered as bulk to parishes are all finished in our 2-day relief operations. Marami-rami pa ring parokya ang humihingi,” dagdag pang pari.
Nanawagan din ng tulong ang mga taga-Gumaca dahil sa napinsalang mga bahay at mga taniman.
“Right now po pagkain sana, bigas ang kailangan ng mga tao. Pag-uwi nila from evacuation centers. Nasira po mga halaman nila na source ng pangkabuhayan at pagkain,” ayon kay Fr. Flores.
Ayon ay Fr. Rommel Flores ng Gumaca social action center ang mga residente ng Bondoc Peninsula ang lugbang naapektuhan ng bagyo at nangailangan ng tulong.
Nanawagan din ng tulong ang mga residente ng Catarman (Northern Samar) bagama’t patuloy pa rin ang ginagawang assessment sa pinsala ng nagdaang bagyo.
“Yes, we need help. On going po ang assessment namin and finalization of damages reports,” ayon kay Fr. Fred Placa, Catarman SAC director.