208 total views
Iminungkahi ng Obispo ng Mindanao sa administrasyong Duterte at CPP-NPA-NDF na magpatupad ng bilateral ceasefire sa hinahangad na pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Inihayag ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo na mahalagang mayroong bilateral ceasefire na siyang magiging “confidence building” ng magkabilang panig sa pagsisimula ng peacetalks.
Ayon kay Bishop Bagaforo, ito ay pagpapakita ng sensiridad ng magkabilang panig na isantabi ang hidwaan at bumalik sa negotiating table.
Iginiit ng Obispo na kailangang ng sumulong ang bansa at wakasan na ang giyera at anumang karahasan.
Sinabi ng Obispo na napapanahon ng magkaisa at magtulungan ang magkabilang para sa maayos na pamahalaan at sa ikabubuti ng sambayanang Filipino.
“Mas mabuti kung bilateral ceasefire between GRP & CPP-NPA-NDF para tuloy ang peace talks nila at walang gusot. Manifestation of goodwill on each side to settle issues that may lead to an agreement for reconciliation and of finally ending the war and move towards a constitutional partnership in governance,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.
Naitala noong taong 2010 ang 250 na mga pag-atake ng New People’s Army o NPA sa iba’t-ibang panig ng bansa na ikinamatay ng may 300 mga sundalo bukod pa ang mga inosenteng sibilyan at mga rebelde.