656 total views
Inilarawan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Mahal na Birheng Maria bilang tanda ng kaligtasan ng sangkatauhan.
Ito ang mensahe ng arsobispo sa kapistahan ng Pagsilang ni Maria sa misang ginanap sa San Bartolome De Novaliches Parish sa Quezon City.
Ayon sa cardinal, mahalagang tungkulin ang ginampanan ng Mahal na Ina para sa katubusan ng sanlibutan sapagkat kaakibat ng kanyang pagsilang ang liwanag sa buong mundo mula sa dilim ng kasalanan ng tao.
“To be the daybreak is the mission of Mary. She is the sign that God is about to fulfill His promise of salvation. Just as daybreak assures us that the day is coming, the birth of Mary is the assurance that the Light of the world is near,” ayon kay Cardinal Advincula.
Sinabi ni Cardinal Advincula na si Maria ang bukangliwayway sa umaga kung saan nagsimulang talunin ang kadiliman dahil kay Hesus na kanyang ipaglilihi.
Pinangunahan ng cardinal ang pagbukas sa taunang General Assembly ng Manila Ecclesiastical Province School System Association o MAPSA kung saan pinaalalahanan ang mga guro na tularan si Maria bilang bukang liwayway sa mga kabataan.
“We are too called to be the daybreak; this mission is apparent in our task of educating and forming the children and the young. Dear school administrators, teachers, personnel, and parents we are to be the daybreak that will bring the light of Jesus to the lives of our students,” saad ng Cardinal.
Hamon ng arsobispo sa mga tagapaghubog ng mga kabataan na itaguyod ang katotohanan at labanan ang anumang uri ng fake news at misinformation gayundin ang pagsusulong ng kabutihan, habag at pag-ibig sa kapwa.
“Let us make it our mission to ensure that our educational process becomes the daybreak for our society as we produce good, capable, truthful, compassionate, and God-fearing students who are to be lights of our world,” saad ni Cardinal Advincula.
Si Cardinal Advincula ang chairman ng MAPSA habang pangulo naman si Fr. Albert Delvo, PhD – Parish Priest ng San Bartolome De Novaliches at Superintendent ng Roman Catholic Bishop of Novaliches Educational System.