347 total views
Ganap ng ligtas mula sa COVID-19 si Diocese of San Calos Bishop Gerardo Alminaza.
Ayon sa Diocesan Social Communications Office ng diyosesis nagnegatibo na sa COVID-19 ang Obispo na nakalabas ng San Carlos Doctor’s Hospital noong ika-25 ng Hunyo matapos ang 6-day confinement at 21-day quarantine.
Sa kabila nito, patuloy naman ang pag-iingat ng Obispo sa pagtanggap ng ilang nga gawain kasabay na rin ng muling pagpapatuloy sa kanyang tungkulin bilang pinunong pastol ng Diyosesis ng San Carlos.
“Bishop Alminaza has fully recovered from COVID-19. He was discharged from San Carlos Doctor’s Hospital last June 25 after 6-day confinement and completed the 21-day quarantine. However, he is advised to be conscientiously guarded in receiving engagement as he resimes his important ministry for the Church due to his pre-existing medical conditions.” Ang bahagi ng anunsyo ng San Carlos Diocesan Social Communications Office.
Mag-aalay naman ng thanksgiving mass ni Bishop Alminza bilang pasasalamat sa lahat ng mga nananalangin at nagpaabot ng suporta para sa kanyang mabilis na paggaling matapos na magpositibo sa COVID-19.
Nakatakda ang thanksgiving mass ni Bishop Alminaza sa ika-11 ng Hulyo ganap na alas-nuebe ng umaga sa San Carlos Borromeo Cathedral Parish na maaaring masubaybayan sa pamamagitan ng livestreaming sa official Facebook page ng diyosesis.
Patuloy naman ang panawagan ng pamunuan ng diyosesis sa bawat mananampalataya na mag-ingat at sumunod sa mga ipinatutupad na mga safety health protocol upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 virus.