360 total views
Muling nagpositibo sa COVID-19 si San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza.
Ayon sa inilabas na pahayag ni Diocese of San Carlos Chancellor Fr. Marjun Almario, bagamat nagpositibo sa virus ay asymptomatic o wala namang nararamdamang sintomas si Bishop Alminaza.
“I regret to inform the faithful that Most. Rev. Gerardo A. Alminaza, D.D., Bishop of San Carlos, has been tested POSITIVE for COVID-19 AGAIN. He is asymptomatic. However, he is required to ISOLATE himself for the time being,” pahayag ni Fr. Almario.
Gayunman, hinihikayat ng pari ang lahat ng mga nakasalamuha ni Bishop Alminaza na agad na sumailalim sa home quarantine at makipagtulungan sa mga kinauukulan para sa nararapat na health protocol.
Samantala, hinihiling naman ni Fr. Almario ang panalangin para sa agarang paggaling ni Bishop Alminaza, maging ang ibang mga COVID-19 patients.
Idinadalangin din ng pari ang kaligtasan ng mga medical frontliners sa kabila ng panganib na mahawaan ng COVID-19 upang mabigyang-lunas ang mga higit na apektado ng nakakahawa at nakamamatay na virus.
“We ask for everyone’s prayers for his fast healing as well as for other COVID-19 patients. Let us continue as well to pray for those in the frontlines who are constantly taking risks to care for us,” saad ni Fr. Almario.
Matatandaang unang nagpositibo sa COVID-19 si Bishop Alminaza nitong Hunyo nang kasalukuyang taon at sumailalim sa 6-day confinement at 21-day quarantine.