Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop David, nagpasalamat sa pakiisa at suporta

SHARE THE TRUTH

 181 total views

Nagpasalamat si CBCP-vice president, Kaloocan Bishop Pablo Virgilio David sa mananampalatayang nakiisa sa isinagawang prayer vigil bilang pagpakita ng suporta sa hamong kinakaharap ng obispo at ilan pang mga lingkod ng simbaan.

Ayon kay Bishop David naging makatotohanan ang tugon ni Hesus sa kanyang mga panalangin na hindi ito nag-iisa sa gitna ng mga pagsubok bilang pinunong pastol sa mahigit isang milyong mananampalataya ng Diyosesis ng Kaloocan.

“Salamat sa lahat ng dumalo sa “Prayer Vigil” na ito mula sa iba’t ibang mga parokya, eskwelahan at mga “mission stations” ng ating diocese, sa inyong malasakit sa akin bilang inyong obispo sa panalangin, naramdaman ko talaga ngayong gabi na HINDI NGA PALA AKO NAG-IISA,” bahagi ng pahayag ni Bishop David.

Nababahala rin si Bishop David sa pagkadawit ng kanyang pangalan sa 36-kataong kinasuhan ng kasong kriminal ng Department of Justice kung saan unang isinampa ng PNP-CIDG ang sedition case kaugnay sa pagpakalat ng videong ‘Ang Totoong Narcolist’.

Sa pahayag ni Peter Joemel ‘Bikoy’ Advincula idiniin nitong mga taga-oposisyon at ilang lingkod ng simbahan ang nasa likod ng pagpakalat ng videong nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa Pilipinas.

Ayon pa kay Bishop David, bukod sa kasong sedisyon, isinampa rin ng DOJ ang inciting to sedition, estafa, cyber-libel at obstruction of justice.

Binigyang diin ng ikalawang pangulo ng kalipunan ng mga Obispo na kasalukuyang nahaharap sa epidemya ng depresyon ang lipunan na dulot ng pagkabahala, karahasan, pang-aabuso at kawalan ng pag-asa dahil sa karukhaan kaya’t mahalaga bilang pastol ng kawan ng Diyos na patuloy manindigan para sa kabutihan ng nakararami kahit ito’y may kaakibat na panganib.

“Tayo rin nawa, katulad ng ating mahal na Patron [San Roque], ay tumugon nang may malasakit, kahit pa ito’y ating ikapahamak,” ani ng Obispo.

Ibinahagi pa ni Bishop David na patuloy itong nakipagtulungan sa pamahalaan sa pagpatupad ng mga programang nakabubuti sa mamamayan katulad ng edukasyon, disaster-response program, environmental protection program, malnutrition mitigation program, urban poor resettlement program, mental health program, at ang ating community based drug rehabilitation program.

SUPORTA NG BUONG DIYOSESIS

Sa opisyal na pahayag ng diyosesis na binasa ni Fr. Jerome Cruz ang Vicar General ng diyosesis mariin nitong kinondena ang mga maling paratang laban kay Bishop David.

“It is to the highest degree that we condemn any effort of anyone to besmear the integrity and dignity of our shepherd Bishop Pablo Virgilio S. David,” bahagi ng opisyal na pahayag ng diyosesis.

Nanindigan ang diyosesis na ang kanilang pinunong pastol ay tulad ni Hesus na naging tinig sa mga maliliit sa lipunan, nagpapahayag lamang ng katotohanan para sa kapakinabangan ng mamamayan, nagtatanggol at nagpapahalaga sa dignidad ng buhay.

Bilang tinig sa mga pilit pinatatahimik ng karahasan, mga naulilang pamilya dahil biktima ng giyera kontra droga at lumilingap sa mga naiwang maybahay at mga kabataang nawalan ng magulang.

Sinabi pa sa pahayag na hindi kailanman nakikisangkot ang kanilang obispo sa anumang banta ng destabilisasyon laban sa pamahalaan.

“We denounce any attempt to link our shepherd to any allegation of destabilization of government that has been labeled against him.”

Giit ng diyosesis na ang mga kasong isinampa kay Bishop David ay pawang kasinungalingan at walang sapat na basehan maging si Hesus ay alam ang tunay na adhikain ng Obispo na isinasabuhay ang mga gawain at misyon ng Panginoon sa paglilingkod sa pamayanan ng Diyos.

Naniniwala ang mamamayan na mangingibabaw ang katotohanan sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng ilang mga lingkod ng simbahang katolika.

“Our prayers and sacrifices are directed to the noble intention that truth, justice, peace and above all God’s love may reign supreme in every heart and in our nation.”

Nauna nang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mananampalataya na magkaisang manalangin bilang suporta at pakikiisa sa mga pastol ng simbahang kabilang sa kinasuhan ng sedisyon.

Read: CBCP, naglabas ng Solidarity Prayer para sa mga inuusig na obispo at pari
Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan

Maging si Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc at Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ay nagpahayag ng pakikiisa at hinimok ang bawat isa na mag-alay ng mga panalangin para sa mga lingkod na inuusig sa pamamagitan ng mga maling paratang dahil sa paninindigan sa katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 8,738 total views

 8,738 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 14,325 total views

 14,325 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 19,841 total views

 19,841 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 30,962 total views

 30,962 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 54,407 total views

 54,407 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ng Obispo na maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon

 7,641 total views

 7,641 total views Hinimok ng opisyal ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) ang mga dumalo sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na patuloy maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon sa kapwa. Ayon kay WACOM Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos dapat isabuhay ng mga deboto ang bawat natutuhan sa congress

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Igalang ang mga namayapa-Bishop Santos

 7,708 total views

 7,708 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na igalang ang mga namayapa. Ito ang pahayag ng obispo sa nalalapit na paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay o undas sa November 2. Binigyang diin ni Bishop Santos na ang pagbibigay ng maayos na himlayan sa mga namayapa ay isa sa mga nararapat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Stella Maris Philippines, patuloy na makikilakbay sa mga seafarer

 7,821 total views

 7,821 total views Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang patuloy na paglilingkod sa mga manggagawa sa karagatan at kanilang mga pamilya. Ayon kay National Coordinator Fr. John Mission na mahalagang kalingain ang hanay ng mga seafarers at iba pang manggagawa sa sektor alinsunod sa Stella Maris Moto Propio ni St. John Paul II. “Our commitment will

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Antipolo Auxiliary Bishop, itinalagang Obispo ng Diocese of Catarman

 8,061 total views

 8,061 total views Pormal nang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop Nolly Buco bilang ikatlong obispo ng Diocese of Catarman. December 2023 nang unang itinalaga ang obispo bilang tagapangasiwa sa diyosesis makaraang tanggapin ni Pope Francis ang pagretiro ni Bishop Emmanuel Trance dahil sa usaping kalusugan. Inanunsyo ng Vatican ang appointment ni Bishop Buco na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“God’s mercy is mercy in action!”

 8,249 total views

 8,249 total views Itinuring na ‘mercy in action’ ng St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo Cebu City ang kawanggawang isinagawa ng ilang delegado ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Parish Priest Fr. Benedicto Tao mahalagang maibahagi ng mga delegado ang habag at awang naranasan sa pakikiisa sa AACOM upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divine mercy devotion, ibahagi sa iba

 8,813 total views

 8,813 total views Umaasa ang Divine Mercy Ministry ng Archdiocese of Cebu na paigtingin ng bawat binyagang kristiyano ang debosyon sa Divine Mercy. Ayon kay ministry Spiritual Director Fr. Lucas Inoc nawa’y magbunga ng malalim na pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon upang maibahagi sa kapwa. Aniya bawat isa ay nangangailangan ng habag mula sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Be the light house that provides hope and direction.

 9,323 total views

 9,323 total views Ito ang apela ni CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga lider ng pamahalaan at lingkod ng simbahang naglilingkod sa kapakanan ng mga seafarers kabilang na ang mga mangingisda. Sa pagtatapos ng 2-day Migrant Fishers Leader’s Assembly na ginanap sa Cebu City binigyang diin ni Bishop Santos ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Arsobispo ng Cebu, nanawagan ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 9,403 total views

 9,403 total views Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na suportahan ang inisyatibo ng Aid to the Church in Need na ‘One million children praying the rosary’. Ayon sa arsobispo mahalagang tulungan ang mga batang mahubog ang pananampalataya at mapalalim ang ugnayan sa Panginoon. Aniya nararapat suportahan ang mga kabataan at magbuklod ang pamayanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagbebenta, pagbili ng boto: Pagkakait sa pagkakaroon ng mahuhusay na pinuno ng bayan, ayon sa Obispo

 9,649 total views

 9,649 total views “We need to give our country a chance to change.” Ito ang hamon ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan hinggil sa nalalapit na 2025 midterm national and local elections. Sinabi ng obispo na isa mabisang paraan upang makamit ang tunay na pag-unlad ang paglaban sa talamak na vote buying tuwing halalan. “Vote

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“Whatever God want me to do, I will do it” – Bishop Labajo

 9,678 total views

 9,678 total views “Malipayon kong modawat sa maong assignment.” Ito ang mensahe ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang kauna-unahang obispo ng Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur. Sinabi ng obispo na higit nitong isasabuhay ang kanyang episcopal motto na ‘Humiliter Ambulare Coram Deo’ o ‘To walk humbly before

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagiging host ng AACOM, ipinagpasalamat ng Archdiocese of Cebu

 9,702 total views

 9,702 total views Ikinagalak ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagiging host archdiocese ng ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon sa arsobispo magandang pagkakataon ang pagtitipon na isang paraan upang muling paigtingin ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang habag at awa. “We feel privilege once more to host the AACOM

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur, itinatag ng Santo Papa

 9,733 total views

 9,733 total views Itinatag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Diocese of Prosperidad na magpapastol sa mananampalataya ng Agusan Del Sur. Kasabay nito itinalaga ng santo papa si Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang kauna-unahang obispo sa itinatag na diyosesis. Inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ni Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na hatiin ang Diocese of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pinakamapinsalang lindol sa Bohol, inalala

 10,353 total views

 10,353 total views Isinagawa ng Diocese of Tagbilaran ang Day of Prayer para gunitain ang mga biktima ng magnitude 7.2 na lindol 11-taon ang nakalilipas. Ayon kay Bishop Alberto Uy, bagamat mahigit isang dekada na ang nakalipas sa mapaminsalang lindol ay patuloy pa rin ang pagbangon ng mga Boholano sa tulong at gabay ng Panginoon. “Let

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, pinaalalahanan ng Papal Nuncio sa dakilang habag at awa ng Panginoon

 10,414 total views

 10,414 total views Pinaalalahanan ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mananampalataya sa dakilang habag at awa ng Panginoong ipinadama sa sangkatauhan. Sa pagbukas ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sinabi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ang pag-alay ni Hesus ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Opisyal ng CBCP, dismayado sa kalagayan ng mga katutubo

 6,607 total views

 6,607 total views Dismayado si CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo sa bansa na patuloy nakararanas ng karahasan. Sa paggunita ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 13 sinabi ng obispo na sa kabila ng kahirapang dinaranas ng mga katutubo sa bansa ay patuloy itong pinahihirapan ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top