678 total views
Pinangunahan ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Bise-Presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang misa para sa ikalawang araw ng Philippine Conference on New Evangelization 5 sa University of Santo Tomas.
Sa kaniyang pagninilay, ipinaalala ng Obispo sa mga Pari at mga alagad ng Simbahan na maging handa na ialay ang kanilang buhay para sa kanilang kawan.
Inihalimbawa ni Bishop David ang nangyari sa pagkakapaslang kina Fr. Marcelito Paez; Fr. Mark Anthony Ventura at Fr. Richmond Nilo mga Paring kilala bilang tagapagtanggol ng Manggagawa, Kalikasan at ng Pananampalataya.
Iginiit ng Abispo na hindi biktima kundi pagtupad lamang sa tungkulin ng bawat Pari ang pagharap sa panganib na bahagi rin ng sinumpaang tungkulin bilang lingkod ng Simbahan at ng Diyos.
“These Priests who are killed they had made their choice. They have opted to be Martyrs meaning witnesses they chose this path the road less travelled by. They responded really to the invitation to choose the path of Jesus knowing full well that it will cause their life,” bahagi ng Homiliya ni Bishop David.
Dagdag pa ni bishop David; “Martyrdom is not about dying for a cause it is about living once Faith no matter if it could mean suffering and death .
Ang dalawang unang araw ng PCNE5 ay inilaan para sa pagtitipon ng mga Pari, Relihiyoso at mga taong nagtalaga ng kanilang buhay sa Diyos bilang bahagi ng pagdiriwang ng Simbahan na ‘Year of the Clergy and Consecrated persons’.
Mula sa 5,800 na Foreign and Local delegates may higit sa 2,000 mga pari at madre ang dumalo sa pagtitipon. A
ng 5-day conference ng PCNE 5 ay magtatapos sa July 22.