1,152 total views
Umapela ng pagtutulungan si Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo sa mananampalataya ng Agusan Del Sur kasabay ng paghahanda sa pormal na pagluklok ng bagong obispo at pagtalaga ng diyosesis.
Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang pagtatakda ng ika -87 diyosesis sa bansa.
“Now that we are still preparing the place, I would like to make an appeal to the people of Prosperidad that we have to join our hearts together not just in praying but translate our faith into action by preparing the things that we need for the diocese,” pahayag ni Bishop Labajo sa Radio Veritas.
Itinakda sa January 28, 2025 ang canonical possession at installation ni Bishop Labajo bilang kauna-unahang obispo ng Diocese of Prosperidad sa alas 10 ng umaga sa St. Michael the Archangel Parish sa Poblacion, Prosperidad Agusan Del Sur.
Batid ng obispo ang maraming bagay na dapat ihahanda kabilang na rito ang magiging cathedral ng diyosesis, tanggapan at tahanan ng obispo.
Umaasa si Bishop Labajo na magbuklod ang mga pari at mananampalataya sa pagtataguyod ng bagong diyosesis upang mas lumago.
“I’m appealing to the people, the priest to be together in praising God and in working together to make this diocese grow, prosper, as the name suggests, so I hope by God’s grace, me as your pastor being appointed by the pope would really fulfill my duties and responsibilities as your new bishop in Prosperidad,’ ani Bishop Labajo.
Matatandaang October 15 nang inanunsyo ng Vatican ang pagkatatag sa Prosperidad bilang ika – 87 diyosesis ng Pilipinas na mangangasiwa sa mga lugar ng Agusan Del Sur kung saan halos kalahating milyon ang mananampalataya sa 27 mga parokya.
Magiging katuwang ni Bishop Labajo sa pagpapastol ang humigit kumulang 60 mga pari lalo’t tinagurian ang lugar bilang mission frontier ng Pilipinas dahil 1/3 ng populasyon ay mga katutubong komunidad.
Hiling ng obispo sa mamamayan ang patuloy na panalangin sa misyong pagsisimula ng misyong pagpapastol sa bagong diyosesis.