376 total views
Itinalaga ni Pope Francis si Msgr. Marvyn Maceda bilang Obispo ng Diocese ng San Jose de Antique.
Ang 49-taong gulang na si Bishop-elect Maceda ang kauna-unahang Obispo na nagmula sa Diyosesis ng Naval mula ng itinatag ito noong 1988.
Si Bishop-elect Maceda ang hahalili sa iniwang posisyon ni Archbishop Jose Romeo Lazo na unang itinalaga bilang arsobispo ng Jaro, Iloilo noong Pebrero 2018.
Si Bishop-elect Maceda ang ikalimang Obispo ng San Jose de Antique na binubuo ng 54 na mga pari at 25 mga parokya.
Ang bagong Obispo ay nagtapos ng kaniyang pag-aaral sa Sacred Heart Seminary sa Palo, Leyte at sa San Jose Seminary ng Ateneo de Manila University.
Inordinahan bilang pari sa Diocese ng Naval noong May 29, 1996.
Siya ay nagsilbing Vicar General ng Naval at miyembro ng Presbyteral Council at Board Consultors.
Bago itinalagang obispo, nagsisilbi rin bilang Director ng Diocese of Naval Commission on Clergy.
Si Bishop-elect Maceda ang ikalawang obispo na itinalaga ni Pope Francis ngayong taon.
January 2 nang italaga ni Pope Francis si Bishop-elect Rex Andrew Alarcon bilang obispo ng Diocese ng Daet.
Sa pagkakatalaga kina Bishop-elect Maceda at Bishop-elect Alarcon, walo pang mga diyosesis sa bansa ang wala pang nangangasiwang obispo kabilang na ang Butuan, Iligan, Isabela Basilan, Malolos, San Jose Mindoro, Taytay at Military Ordinariate.