274 total views
Nakikiramay ang Order of Carmelite Discalced (OCD) sa pagpanaw ng itinuturing na kauna-unahang Pilipinong obispo ng Carmelo na si Bishop Julio Xavier Labayen, OCD sa edad na 90.
Ayon kay Archdiocese of Caceres Archbishop Rolando Tria Trirona, OCD biyayang maituturing ng Pilipinas ang buhay ni Prelatura ng Infanta Bishop Emeritus Labayen lalo na sa kanyang paglilingkod sa mga dukha.
Si Infanta Bishop Emeritus ay isinilang sa Talisay, Negros Occidental noong Hulyo 23, 1926 at naordinahang pari taong 1955.
Siya ay itinalaga bilang Obispo ng Prelatura ng Infanta ni Pope Paul VI noong 1986 at nagretiro taong 2003 kung saan humalili naman bilang Obispo ng Infanta si Bishop Tirona na kasalukuyang Arsobispo ng Caseres.
Naglingkod din si Bishop Labayen sa social action apostolate sa bansa mula taong 1966 hanggang 1982 at pinamunuan rin nito ang Federation of Asian Bishops’ Conferences’ Office Human Development mula taong 1972 hanggnag 1978.
Magugunita na inihain ni Bishop Labayen ang kanIyang pormal na liham sa pagreretiro sa Holy See noong July 24, 2001.
Paliwanag pa ni Archbishop Tirona namuhay si Bishop Labayen ng may pagmamahal at tapat na paglilingkod lalo na sa mga katutubong dumagat sa Infanta, Quezon at sa pagtatanggol ng kalikasan.
“The Philippine church in the Philippines in the prelature of Infanta has been blessed with the person and ministry of Bishop Labayen especially his vision of the Chruch of the Poor. He lived a dedicated life serving and loving the church especially the poor. May he rest in peace,” bahagi ng pahayag ng pakikiramay ni Archbishop Tirona sa Prelatura ng Infanta.
Si Bishop Labayen ay nagsilbi ng 40 taon sa Prelature ng Infanta.
Pumanaw si Bishop Labayen kaninang ganap na alas – 6:52 ng umaga.