447 total views
Nagpapasalamat si Novaliches Bishop Roberto Gaa sa mga parokyang nasasakupan sa pakikibahagi sa mga kindness stations o community pantries sa buong diyosesis.
Paliwanag ng Obispo, ito ay pagpapatunay na ang simbahan ay nagsisilbing tagapagpadaloy ng biyaya lalu na sa higit na nangangailangan.
“Simbahan is more of a channel. Pinagdadaluyan ng mga tulong, pinaabutan ng tulong para maipaabot din ang tulong sa nangangailangan,” ayon pa kay Bishop Gaa.
Malaking tulong din sa simbahan ayon sa Obispo ang mumunting pamayanan-ang basic ecclesial community o BEC na nagsilbing social arm ng diyosesis.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga lugar na nangangailangan ng tulong, gayundin sa uri ng tulong na kinakailangan ng komunidad. Ang Diocese ng Novaliches ay binubuo ng 72 parokya na nangangasiwa sa higit dalawang milyong katoliko.