300 total views
Itinalaga ng kanyang kabanalan Francisco si Msgr. Louie Patalinghug Galbines bilang bagong Obispo ng Diocese of Kabankalan, Negros Occidental.
Si Bishop-elect Galbines ay tubong Aliwanag, Sagay Negros Occidental at isinilang noong Nobyembre 18, 1966 at na-ordinahang pari noong 1994.
Nagsilbi bilang Deputy Dean at Spiritual Director ng Sacred Heart Seminary Bacolod noong 1994; at Chancellor Secretary ng Diocesan Curia ng Bacolod hanggang 1996.
Pagkatapos na mag-aral sa Roma nagsilbi rin si Bishop elect Galbines bilang treasurer at collaborator ng CBCP simula 2001-2006; naging Vice-President at president ng Diocesan Commission for the Clergy at Parish Vicar ng Saint Sebastian Parish sa Bacolod City mula 2007-2012.
Naging rector ng Sacred Heart Seminary at Vicar General ng Bacolod City.
Siya ang hahalili kay Bishop Patricio Buzon na itinalaga namang bilang Obispo ng Diocese ng Bacolod noong 2016 kasunod na pagreretiro ni Bishop Vicente Navarra.
Base sa 2017 catholichierarchy.org ang Diocese ng Kabankalan ay may higit sa 700,000 populasyon na binubuo na 80 porsiyento ng mga katoliko at may 55 mga pari para pangasiwaan ang may 28 mga parokya.
Sa tala ng Catholink si Bishop elect Galbines ang ika-limang Obispo na itinalaga ni Pope Francis ngayong taong 2018 kabilang na sina Msgr. Abel Apigo ng Diocese ng Mati; Archbishop Jose Romeo Lazo sa Archdiocese of Jaro; Msgr. Bartolome Gaspar Santos sa Diocese ng Iba, Zambales; at Fr. Raul Dael bilang Obispo ng Diocese ng Tandag.