143 total views
Humihingi rin ng panalangin mula sa mga mananampalataya si Prelatura of Isabela de Basilan bishop Martin Jumoad para sa ikatatagumpay ng kanyang bagong misyon bilang bagong arsobispo ng archdiocese ng Ozamiz.
“Please pray for me and God Bless,” ayon sa obispo.
Kaugnay nito, labis na nagpapasalamat si archbishop Jumoad sa pagkakatalaga sa kanya ni Pope Francis bilang bagong arsobispo ng Ozamiz.
Gayunman, ayon kay archbishop-elect Jumoad, nalulungkot din siya dahil iiwanan niya ang mga taga Basilan na 14 na taon niyang pinaglingkuran na labis ng napamahal sa kanya at siya sa mga mananampalaya doon.
Nagagalak din ang bagong arsobispo sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Santo Papa na bigyan siya ng pagkakataon na mapaglingkuran ang ibang local church gaya ng Ozamiz.
Kaugnay nito, ayon kay archbishop-elect Jumoad, makikipagpulong siya sa October 13 sa Cebu City kay Ozamiz archbishop Jesus Dosado upang pag-usapan ang kanyang canonical installation.
“We will have a meeting with archbishop Dosado, we will go to Cebu we have a meeting on October 13 we will plan concerning installation for canonical position,” pahayag ni bishop Jumoad.
Si archbishop-elect Jumoad ang pang-4 na arsobispo ng Ozamiz archdiocese na sumasakop sa sufrragan dioceses ng Dipolog, Iligan, Pagadian at Marawi.