1,230 total views
Nagpaabot ng pasasalamat si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mga nanalangin para sa kaniyang kaligtasan at agarang paggaling makaraan maoperahan ng atakihin sa puso sa Estados Unidos noong Setyembre, 2022.
Sa Thanksgiving Mass na pinangunahan ng Obispo sa Cabanatuan Cathedral kasabay ng Feast of Saint John, Apostle and Evangelist ay nagpaabot ng lubos na pasasalamat si Bishop Mangalinao para sa lahat ng nanalangin sa kanyang kapakanan.
Ayon sa Obispo, ang kanyang pangalawang buhay ay maituturing na bunga ng himala na dulot ng pananalangin ng bawat isa.
“I stand here before you today, I’d like to shout on top of my lungs ‘I am a product of peoples prayer’, second ‘I am a living miracle of your intercession, of your common prayers’ that is why if I shed tears, it is tears of joy. I never thought that I will be celebrating Christmas again and the Lord dimmed it otherwise not yet to call me to life everlasting but I was given another chance to life and I knew that I have a mission like you too, we all have mission in life,” mensahe ni Bishop Mangalinao.
Inihayag ng Obispo na ang panalangin ay sadyang may pambihirang kapangyarihan na maipaabot sa Panginoon ang mga hinaing, pagsusumamo at hiling maging para sa kapwa na humaharap sa iba’t ibang mga pagsubok sa buhay.
Umaasa naman si Bishop Mangalinao na patuloy na ipanalangin ng bawat isa maging ang kapakanan ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo na dumaranas ng pagdurusa.
“I know that God is in there because I was still breathing and I was alive because of other people’s prayer. Let us keep praying for one another, let us intercede for the church. You know even if you don’t know people who are sick or people like in Ukraine, people who are suffering in the moment because of the war, let us keep praying, let us be prayer warriors of the church because without us knowing it, we are saving lives,” dagdag pa ni Bishop Mangalinao.
Matatandaang Setyembre ng kasalukuyang taon ng atakihin sa puso si Bishop Mangalinao habang nasa Estados Unidos para sa Mission Appeal at iba pang mahalagang gawain kung saan matagumpay na sumailalim ang Obispo sa bypass operation.
Si Bishop Mangalinao ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education.