655 total views
Nagpapalasamat si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mga panalangin para sa kaniyang kaligtasan at agarang paggaling makaraan atakihin sa puso habang nasa Estados Unidos.
Sa ipinadalang mensahe ni Bishop Mangalinao sa Radio Veritas, hiling niya ang patuloy pang pananalangin para sa nakatakdang by pass operation ngayong linggo.
“Doing fine now, getting better. The operation might be this weekend. Thanks for the prayers,” ayon kay Bishop Mangalinao.
Si Bishop Mangalinao ay kasalukuyang nasa Estados Unidos para sa Mission Appeal at iba pang mahalagang gawain.
Una na ring inihayag ng Diocese ng Bayombong ang kalagayan ng obispo kasabay na rin ng apela sa mga pari, religious communities at mananampalataya na isama sa mga panalangin ang matagumpay na operasyon at agarang paggaling ng obispo.
Si Bishop Mangalinao ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education.