312 total views
Itinalaga ng Kaniyang Kabanalan Francisco si Cubao Bishop Honesto Ongtioco bilang Apostolic Administrator ng Diocese ng Malolos.
Ito ay matapos ideklarang ‘sede vacante’ ang diyosesis dahil sa pagpanaw ni Malolos Bishop Jose Oliveros sa edad na 71.
Sa May 17, ala s-9 ng umaga isasagawa ang requiem mass sa Cathedral-Basilica Minore of the Immaculate Conception na pangungunahan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Davao Archbishop Romulo Valles habang si Bishop-elect of Iba Most Rev. Bartolome Santos naman ang magbibigay ng kaniyang pagninilay.
Ang namayapang obispo ay ililibing sa Malolos Cathedral crypt sa may altar sang-ayon na rin sa sinasaad ng ‘canon law’.
Si Bishop Oliveros ay tubong Quezon at isinilang noong September 11, 1946.
Siya ay inordinahang pari November 1970 at itinalagang obispo ng Diocecese ng Boac Marinduque taong 2000 ng noo’y si Pope John Paul II.
Noong May 2004, itinalaga naman si Bishop Oliveros bilang ika-apat na obispo ng Malolos.
Pumanaw si Bishop Oliveros noong May 11 dahil sa matagal na niyang karamdaman na ‘prostate cancer’.
April 30 sa kabila ng kanyang karamdaman ay pinangunahan ni Bishop Oliveros ang pagdiriwang ng ‘episcopal ordination’ ni Bishop-elect Santos.
Ang Diyosesis ng Malolos ay binubuo ng 108 mga parokya na pinangngasiwaan ng may 200 pari sa kabuuang tatlong miyong populasyon kung saan 94 na porsiyento ay pawang mga katoliko.