Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Pabillo, hinirang na Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila ni Pope Francis.

SHARE THE TRUTH

 338 total views

Hinirang ng Kanyang Kabanalan Francisco si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo bilang Tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila habang wala pang itinalagang kapalit kay Cardinal Luis Antonio Tagle.

Si Bishop Pabillo, ang kasalukuyang katuwang na obispo ng Maynila at chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity at Sangguniang Layko ng Pilipinas.

Batay sa pahayag ng The Manila Cathedral, tutukuyin sa lahat ng mga Misa partikular sa Eucharistic prayer si Bishop Pabillo bilang Broderick na aming Tagapangasiwa o Administrator.

Si Bishop Pabillo ay itinalaga bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese ng Manila noong ika – 24 ng Mayo 2006.

Si Bishop Pabillo na member ng Salesians Priest of Saint John Bosco ay inoordinahang pari ng namayapang Manila Archbishop Jaime Lachica Cardinal Sin noong ika-8 ng Disyembre 1982.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, Papal Nuncio to the Philippines Cardinal Fernando Filoni at Apostolic Vicariate of Palawan Bishop Pedro Arigo ang consecration ni Pabillo bilang Obispo noong August 19, 2006.

Itinuturing si Bishop Pabillo na isang “Theologian at isang bible scholar” matapos siyang mag-aral sa Pontifical Biblical Institute sa Roma.

Si Bishop Pabillo ay aktibong nakikiisa sa mga usaping panlipunan kabilang na ang pagtatanggol sa karapatang pantao, kalikasan at iba pa noong maging chairman ng CBCP-NASSA.

Siya rin ay bahagi ng Board of Trustees ng Philippine Bible Society kaya’t kabilang sa mga adbokasiya ng Obispo ang paghimok sa mananampalataya na magbasa ng bibliya at ipalaganap ang mabuting balita ng Panginoon.

“Fides in Caritate” o Saved by faith ang motto ni Bishop Pabillo.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 18,773 total views

 18,773 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 35,360 total views

 35,360 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 36,729 total views

 36,729 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 44,219 total views

 44,219 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 49,723 total views

 49,723 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 17,043 total views

 17,043 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 99,962 total views

 99,962 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top