9,100 total views
Ipinarating ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pagbati sa mga pumasa sa Licensure Examination Test (LET).
Ayon sa Obispo, nawa ay ipagpatuloy ng mga magiging bagong guro higit na sa mga pampublikong paaralan ang paghubog sa mga kabataan na maging bahagi ng maunlad at maayos na lipunan.
Ipinagdarasal din ng Obispo na matugunan ng mga LET passers ang kakulangan ng mga guro sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa bansa.
“Congratulations po sa mga bagong mga teachers na pumasa sa LET Exams, natutuwa po tayo na marami na ang mga teachers natin pero yan din ay isang problema dahil sa marami sila, kakaunti narin yung mga slots na para sa kanila,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.
Hiniling ni Bishop Pabillo sa panginoon na makamit ng mga LET passers ang mga trabahong angkop sa kanilang tinapos upang higit na malinang ang mga kabataan.
Sa Datos ng Professional Regulation Commission and the Board for Professional Teachers, 50,539 mula sa mahigit 85-thousand examinees ang pumasa sa Secondary Level Education, habang 20,890 mula sa mahigit 45-thousand examinees ang pumasa bilang primary teacher.
“Congratulations po sa mga pumasa, sila ay nagtagumpay at ganap na guro na sila, ipagdasal po natin na sa linis ay sila din ay magsikap na makahanap na naangkop na trabaho para po sa kanilang kurso,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Pabillo para sa mga pumasa sa LET Exams.
Sa tala naman ng Department of Education, sa mga panglalawigang antas, mayroong isang guro ang nagtuturo sa kada 31 hanggang 36 na bilang ng mga mag-aaral simula primary hanggang senior high school level, aminado naman ang kagawaran na mas mataas ang bilang ng teacher to student ratio para sa mga Highly Urbanized Areas katulad ng National Capital Region.