355 total views
Pinangunahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang mainit na pagtanggap ng mga pari, religious men and women at mga laiko ng Arkidiyosesis ng Maynila sa Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula.
Ayon sa Obispo na nagsilbing Apostolic Administrator ng arkidiyosesis sa loob ng mahigit isang taon, walang dapat na ipangamba si Cardinal Advincula sapagkat handa ang buong arkidiyosesis na siya ay tulungan sa kanyang bagong misyon at tungkulin bilang punong pastol ng Archdiocese of Manila.
Nagpaabot rin ng pasasalamat si Bishop Pabillo sa naging pagtanggap ni Cardinal Advincula upang magsilbing Arsobispo ng Maynila na mahigit sa isang taong ipinapanalangin ang pagkakaroon ng bagong Arsobispo.
“I express the sentiments of joyous welcome of the Archdiocese – the clergy, the consecrated people and the lay faithful. We know that you will have to adjust to the situation of leading a big urban archdiocese. We admire your generosity in accepting this service to the Church. Do not be afraid. We are ready, as always, to cooperate and collaborate with our shepherds. You are not in this alone.” mensahe ni Bishop Pabillo.
Pagbabahagi ng Obispo, tulad ng tuwinang panawagan ng Santo Papa Francisco ay makakaasa si Cardinal Advincula sa kahandaan ng lahat ng mga lingkod ng Simbahan at mananampalataya sa arkidiyosesis na magkaisa para sa pagsusulong, pagpapatatag at higit pang pagpapalawak ng kaharian ng Panginoon sa daigdig.
“As Pope Francis is stressing the synodal characteristic of the church, so we walk together in building the kingdom of the fullness of life in the Archdiocese.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.
Samantala sa unang pagkakataon bilang bagong Arsobispo ng Archdiocese of Manila ay pinangunahan ni Cardinal Advincula ang pagsasariwa sa priestly promises at priestly commitment ng mga Pari.
Bukod kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo magsisilbi ring katuwang ni Cardinal Advincula sa pangangasiwa sa may 86 na mga parokya ng arkidiyosesis ang may 600 mga pari at religious men and women ng Archdiocese of Manila.