2,139 total views
Umapela ng tulong ang Apostolic Vicariate of Taytay Palawan para sa pagtatapos ng pagtatayo ng St. Joseph the Worker Cathedral.
Sa liham ni Taytay Bishop Broderick Pabillo ibinahagi nitong bilang bikaryato ito ay isang mission territory at hindi pa ganap na diyosesis.
Buong pusong ipinagkatiwala ng obispo sa Panginoon ang paglingap ng mananampalataya sa panawagan ng simbahan ng Taytay Palawan para sa mas maayos na bahay dalanginan na sa taya ng architects at engineers na nangasiwa sa pagpapatayo ay kinakailangan pa ang 90 milyong piso.
“We humbly appeal your generosity to be one of our benefactors in building the house of God in Taytay,” bahagi ng liham ni Bishop Pabillo.
2002 nang maitatag ang Bikaryato ng Taytay nang hatiin sa dalawan ang Apostolic Vicariate of Palawan; ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa na nangasiwa sa Central at Southern Palawan habang Northern Palawan naman ang sakop ng Apostolic Vicariate of Taytay.
Taong 2009 nang makakuha ng lupa ang bikaryato para pagtayuan ng cathedral sa pangunguna ni Bishop Emeritus Edgardo Juanich subalit dahil sa limitadong resources ng bikaryato hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling under construction ang cathedral.
Dahil sa COVID-19 pandemic at pananalasa ng bagyong Odette noong December 2021 nahinto ang construction ng cathedral gayundin ang fund raising efforts upang tugunan pangangailangan ng nasasakupang kawan.
“We prioritized addressing the needs of the people. We built houses and reconstructed chapels that were blown away with the money we received,” saad ni Bishop Pabillo.
Sa mga nais maging bahagi ng proyekto makipag-ugnayan sa Chancery office ng bikaryato at sa tanggapan ni Bishop Pabillo sa numerong 0921-754-5457 at 0915-936-9752 upang makaiwas sa mga mapansamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ng simbahan sa fradaulent activities.
Maari ring magdeposito sa mga sumusunod na bank accounts na may account name na Vicar Apostolic of the Vicariate of Taytay, Inc sa BPI 008873 0626 07; Landbank 3631 0154 32; Metrobank 007 706 00251 7; BDO 011950154805.
Gayundin sa electronic wallets na nakapangalan kay Bishop Pabillo sa Gcash at Palawan Pay 0977 409 2016.