294 total views
Hinikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) ang mananampalataya na isama rin sa gawain ngayong Kuwaresma at Mahal na Araw ang pagbisita sa mga nakabilanggo.
Ayon kay Bro. Rudy Diamante-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, ang pagdalaw sa mga bilanggo ay kabilang din sa ‘corporal works of mercy’ at isang paraan ng pagkakaroon ng makabuluhang paggunita ng sakripisyo ng Panginoon.
“Visit the jail, join the volunteers in prison to be one with the prisoners,” mungkahi ni Diamante.
Sinabi pa ni Diamante na karaniwan na ring isinasagawa sa mga piitan sa bansa ang paggunita ng Semana Santa sa pahintulot na rin ng Bureau of Jail Management and Penology.
“We are able to carry out the Lenten services inside. Already at the Manila City Jail the station of the Cross that moves to one dorm to another, pati ang holy week services,” ayon kay Diamante.
Sa datos ng National Bilibid Prison (NBP) may 40,000 libo ang preso sa bilibid na para lamang sana sa 20,000 bilanggo.
Sa isang mensahe ni Pope Francis bawat isa ay nangangailangan ng paglilinis, pagpapanibago at kapatawaran maging sa mga taong nakakulong sa piitan.