247 total views
Dumalo ang lahat ng mga nakalipas na Obispo ng Diocese ng Iba sa pormal na pagluluklok kay Bishop-elect Bartolome Gaspar Santos bilang bagong Obispo ng Iba, Zambales na ginanap noong May 25 sa St. Augustine Cathedral Parish.
Ang kasalukuyang Arsobispo ng Archdiocese of San Fernando Pampanga na si Archbishop Florentino Lavarias na nagsilbing punong tagapagdiwang, Archbishop-emeritus Paciano Aniceto at Bishop-emeritus Deogracias Iniguez.
Sa altar din ng St. Augustine Cathedral Parish matatagpuan ang labi ni Bishop Henry Charles Byrne na tubong Ireland– ang kauna-unahang obispo ng Iba na namuno sa diyosesis simula 1956-1983.
Higit naman ang pasasalamat ng bagong Obispo sa ipinakitang suporta ng kanyang mga kapatid na pari at mga mananampalataya ng Iba sa pagtanggap ng kanyang bagong misyon.
Ayon kay Bishop Santos ang pagtanggap ng bagong tungkulin ay kaloob ng Panginoon kaya’t wala siyang pag-aalinlangan na tanggapin ito para paglingkuran ang Diyosesis ng Iba – na apat na taon nang walang Obispo makaraan mailipat sa Arkidiyosesis ng San Fernando, Pampanga si Bishop Florentino Lavarias.
Hinihikayat din ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na maging katuwang sa kaniyang misyon at umaasa sa pakikipagtulungan para sa higit na pagpapahayag at pagsasabuhay ng pag-ibig ng Diyos.
Pangunahing paalala ni Bishop Santos sa mga pari at mananampalaya ng Iba Zambales ang tatlong bagay, Una sumunod sa Obispo, ikalawa ang mahalin ang mga Pari at ikatlo ang pagpapanatiling malinis ng mga simbahan.
Pebrero ng kasalukuyang taon nang italaga ni Pope Francis ang 50-taong gulang na si Bishop Santos na mula sa Diocese ng Malolos.
Mula sa kabuuang 700 libong populasyon ng Iba, Zambales, 80 porsiyento ng mga mamamayan dito ay pawang mga Katoliko.
Ang diyosesis ay binubuo ng 46 na pari na siyang nangangasiwa sa 22 mga parokya.