2,701 total views
Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na ang mga gawain sa banal na pagdiriwang ay pagkakataong makipag-ugnayan sa Panginoon.
Ito ang mensahe ni Commission on Liturgy Chairman, Capiz Archbishop Victor Bendico kaugnay sa paglapastangang ginawa ni Pura Luka Vega na nakasuot ng damit ng Panginoong Hesukristo sa isang party habang inaawit ang punk rock version ng ‘Ama Namin’.
Binigyang diin ni Archbishop Bendico na hindi katanggap-tanggap ang anumang uri ng pambabastos sa Panginoon sa halip ay dapat na isabuhay ang mga gawaing makapagpapabanal ng tao.
“May God have mercy on him. The sacred liturgy is a sacred celebration where God encounters his people thru his word and the sacraments. The liturgical celebrations of the Church should glorify God at hindi babastosin ang Dios. They are meant to sanctify people at hindi mambabastos ng mga tao.” pahayag ni Archbishop Bendico sa Radio Veritas.
Bagamat marami ang nagtatanggol kay Vega dahil isa itong uri ng sining, marami namang mamamayan ang umalma dahil ito isang paglapastangan at pambabastos sa mga kristiyano lalo’t mayorya sa mga Pilipino ay katoliko.
Iginiit ni Archbishop Bendico na kapiling ng tao ang Panginoong Hesus sa mga pagkakataong nagkakatipon sa banal na pagdiriwang kaya’t ang paggamit ng mga kasuotan at panalangin na hindi angkop sa pagdiriwang ay isang kalapastanganan.
“God is present there whenever the word of God is read, through the person of the minister, whenever people are gathered in His name and in the Body and Blood if Christ. These teachings alone of the Liturgical Constitution of Vatican 2 are clear indications that the liturgical celebrations should be respected. They are celebrations of the Church and not of individual persons who make fun of them to attract attentions. They glorify God and sanctify people.” giit ni Archbishop Bendico.
Kaugnay nito, dismayado naman si Bataan Representative Geraldine Roman sa ginawa ni Vega at iginiit na hindi makatutulong sa kanilang panawagan na igalang ang karatapan ng LGBT Community.
Kinundena rin ni Senator JV Ejercito na mariing kinundena ang ginawa ni Vega na maituturing ‘blasphemy act’ at kalabisan sa pagtatanghal ng sining.
Paalala ng simbahan sa mananampalataya na maging maingat sa paggamit ng pananampalataya sa mga gawaing pagtatanghal lalo’t ito ay may kaakibat na mga banal na gawain.