591 total views
Dalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco na gabayan ng Mahal na Birheng Maria ang mamamayan sa pagsunod sa mga halimbawa ni Blessed John Paul I.
Sa katatapos na beatipikasyon ng dating Santo Papa binigyang diin ni Pope Francis ang kababaang loob at dedikasyon ng beato sa paglilingkod sa kawan ng Panginoon sa loob ng tatlumpu’t tatlong araw.
“May the Blessed Virgin Mary, the first and perfect disciple of the Lord, help us to follow the example and holiness of life of John Paul I,” ani Pope Francis.
Kinilala ng santo papa ang pagtataguyod ni Blessed John Paul I sa payak na pamumuhay tulad ng mga apostol ni Hesus.
Si Blessed John Paul I o Albino Luciani ay ipinangak noong October 17, 1912 sa Veneto region sa Italya.
Inordinahang pari sa edad na 22-taong gulang sa Diocese of Belluno e Feltre sa Italy noong 1935 at nagsilbing rector ng seminaryo ng isang dekada kung saan nagturo ng moral theology, canon law at sacred art.
Bilang obispo ng Vittorio Veneto lumahok ang beato sa mga pagtitipon ng Second Vatican Council (1962-1965).
Si Blessed John Paul ang kauna-unahang santo papa na gumamit ng dalawang pangalan bilang pagkilala sa mga sinundang punong pastol ng simbahan na sina Popes John XXIII at Paul VI habang taglay episcopal motto na ‘Humilitas’.