184 total views
Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mga bagong opisyal ng Bohol na tularan si Hesus bilang tagapamuno sa kanyang kawan.
Ayon sa Obispo, bagamat may kanya – kanyang uri ng pamumuno ang mga nahalal na opisyal, nais ng Panginoon na maglingkod sa kapwa na may kababaang loob at mapagkalinga.
“Jesus would like you be leaders after Him; Jesus style because for us Christians there is only one style of leadership and that is Jesus’ leadership,” mensahe ni Bishop Uy.
Umaasa si Bishop Uy na tumugon ang mga opisyal sa paanyayang sundin ang kalooban ng Panginoon sa pagsisilbi sa bayan at maging kaisa sa misyon ni Hesus na lingapin ang sambayanan.
Hinikayat pa ni Bishop Uy ang bawat isang dumalo sa misa na pagnilayan ang mga gawain sa araw-araw kung ito ba ay nakatuon lamang sa kapangyarihan, makamundo at materyal na mga bagay na dapat iwasan ng tao.
“We have to be careful with power, you have to be careful with it, in handling it, we have to be extra careful because also it is addictive,” pahayag ni Bishop Uy.
Sa unang araw ng Hulyo, opisyal ng umupo sa may higit 18- libong posisyon sa national at local government ang mga naihalal noong halalan ng ika – 13 ng Mayo.
Ikinatuwa ni Bishop Uy ang pagtitipon ng mga bagong opisyal ng lalawigan sa Banal na Eukaristiya na nangangahulugang paghingi ng gabay sa Panginoon sa panibagong misyon na kakaharapin sa paglilingkod sa mamamayan at mananampalataya.
Tiniyak din ng Obispo ang buong suporta lalo na sa espiritwal na aspeto.
“I am happy that you are here, I understand that you are here because you want to ask for Gods’ blessings, you want to pray, asks his help as you embark in this new journey for new mission in fulfilling your duties and responsibilities; I as your shepherd let me assure you that together with the Christian community we also pray for you,” saad ni Bishop Uy.
Sa huli hinamon ni Bishop Uy ang mamumuno sa pamahalaang lokal na maglingkod ng tapat at naaayon sa kalooban ng Panginoon upang makamit ang tunay na mithiin sa paglilingkod.
“My dear public officials this is my challenge to all of you commit now to serve the Lord, not tomorrow, not in your last term but today; work for God because the retirement benefits are great,” giit ng Obispo