Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 371 total views

Homiliya Para sa ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 17 Hunyo 2023, Mat 9:36- 10:8

Nabagbag daw ang puso ni Hesus nang makita niyang nagdagsaan sa kanya ang napakaraming mga tao, dala ang kanilang mga kaanak na maysakit, may kapansanan at mga inaalihan ng dimonyo. Doon sa version ng kuwentong ito kay St Mark, katatapos pa lang niyang kumalinga sa isang grupo buong maghapon; napagod siya nang husto kaya magpapahinga na muna sana siya. Pero sinundan pa rin daw siya ng mga tao. Nahabag daw siya sa kanila dahil para silang “mga tupang walang pastol.” Doon, dahil hindi niya sila matiis, hinarap niya sila at ipinagpaliban ang pahinga.

Sa version naman na binasa natin kay San Mateo, dahil mabigat sa loob niya na iwan muna o hayaang maghintay ang mga tao, nasabi niya, sa kanyang mga alagad, “Malaki ang aanihin ngunit kakaunti ang mga manggagawa sa sakahan. IDALANGIN ninyo sa may-ari ng sakahan ng magsugo siya ng mas maraming manggagawa na magtatrabaho sa anihan.”

Ibig sabihin, para sa kanya ang pagtatatag ng kaharian ng Diyos ay GAWAIN MISMO NG AMA. Ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob para gawin ang dapat at kaya niyang gawin kahit alam niyang kulang na kulang ang sarili niya, ang oras at katawan niya para mabigyan niya ng atensyon ang mga nangangailangan ng kanyang kalinga.

Kahit madalas kong sabihin sa inyo na ang pagiging Kristiyano ay pakikiisa sa buhay at misyon ni Kristo, o pakikilahok sa gawain ng Mesiyas, hindi rin naman ito nangangahulugan na basta na lang tayo mag-iilusyon na para bang tayo ang Mesiyas. “Messianic complex” naman ang tawag sa ganyan—kapag inakala natin na tayo mismo ang magliligtas sa mundo.

Hindi tayo, kundi ang Diyos ang magliligtas. Hindi natin gawain ito; gawain ito ng Diyos. Kung ang mismong Anak ng Diyos ay may kababaang-loob na tanggapin ang limitasyon ng sitwasyon niya, dahil nagkatawang-tao siyang katulad natin na nabubuhay sa lugar at panahon, aminado siyang hindi naman niya kayang gawin lahat na mag-isa. Kailangan niya ng katrabaho. Ni hindi niya ipinalagay na basta na lang siya pipili ng kahit na sinong gusto niyang makakatrabaho.

Sa version ni San Lukas ng kuwentong ito, ginawa ni Hesus ang sinabi niyang kailangang gawin—ang MANALANGIN sa May-ari ng sakahan na magpadala pa ng makakasama sa gawain. Kaya nagdasal daw siya buong magdamag bago niya pinili ang labindalawang apostol o sugo mula sa maraming mga alagad niya. Ang alagad o “disipulo” ay tagasunod; ang sugo naman o “apostol” ay pinili mula sa mga tagasunod upang maging kinatawan niya, hindi KAPALIT. Representative hindi substitute. Kaya sinabi niya na ang pipili ng manggagawa ay ang “May-ari ng Sakahan”, ibig sabihin ang Diyos mismo. Dito galing ang konsepto natin ng “BOKASYON”.

Kaya pala nagkakamali tayo kapag inaakala natin na ang bokasyon at propesyon ay pareho lang. Hindi pala. Kadalasan tayo ang pumipili ng gusto nating propesyon, batay sa kakayahan at galing na sa tingin natin meron tayo. Sa usapin ng bokasyon, hindi tayo ang pumipili kundi ang Diyos. Tayo ang pinipili, tinatawag, hindi pinipilit. Tingnan mo si San Pablo—malay ba niya na ibabaligtad ng Diyos ang mundo niya? Mula sa pagiging tagausig o persecutor, naging tagataguyod o propagator ba naman siya ng pananampalatayang Kristiyano? O si San Pedro—malay ba niyang mula sa panghuhuli ng isda, ibabaling ng Diyos ang buhay niya sa pamamalakaya ng tao para sa kaharian ng Diyos?

Sa mga pinili ng Diyos, sa mga tumugon sa tawag ng Ama na makitrabaho o makiisa sa buhay at misyon ng Hinirang na Mesiyas, dalawang bagay ang ginagawa niya. Una binibigyan sila ng kapangyarihan. Pangalawa, hinuhubog ang pagkatao nila.

Ang bokasyon ay hindi karapatan kundi kaloob o regalo. Hindi naman tinawag ng Diyos ang mga apostol dahil qualified sila. May nabasa nga akong isang joke, na pina-evaluate daw muna ni Jesus ang labindalawang pinili niya para siguraduhin kung qualified ba sila. Ang nag-evaluate daw ay isang kumpanya na ang pangalan ay “Jordan Management Consultancy”. Halos wala daw pumasa sa standard ng kumpanya—iyung si Pedro may leadership nga pero pabugso-bugso naman daw sa pagdedesisyon, hindi consistent at kulang sa self-confidence. At iyung magkapatid na James and John ay masyado daw mainit ang ulo at palaaway. Si Tomas naman daw ay walang kumpyansa sa kasama. Si Bartolome arogante naman daw ang personality. Lahat sila bagsak sa evaluation, maliban kay Hudas Iskariote. Siya lang daw ang mataas ang qualification, may financial background, kumpyansa sa sarili, mahusay sa negosyo, etc.

Ang Diyos ang pumipili; siya rin ang gagawa ng paraan para mabigyan ng angkop na kakayahan ang mga pinipili niya. Siya naman ang may alam sa project niya: magpagaling, magpalaya sa mga inaalipin, magbigay-pag-asa sa mga nasisiraan ng loob at nawawalan ng direksyon sa buhay. Ang binibigyan niya ng kapangyarihan ay inilalapit muna niya sa Anak niya.

Higit sa lahat, ang pinipili ng Diyos at binibigyan niya ng kapangyarihan para maisugo bilang katrabaho sa kanyang sakahan ay SINASANAY muna niya, HINUHUBOG sila nang buong tiyaga. Hindi talino ng utak ang hinahanap niya kundi talino ng puso. Pusong may malasakit, pusong kung kailan nasasaktan at nagdurugo ay lalong nag-aalab. Pusong mapagpatawad at mapagpakumbaba. Kaya pala nasabi niya sa mga alagad niya, “Hindi alipin ang tinatawag ko kundi kaibigan dahil hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang amo. Kaibigan ang turing ko sa inyo. Ang bawat alagad na nagiging sugo at kapwa manggagawa ni Kristo ay kaibigan at kapanalig niya. Ang nahuhubog ayon sa puso niya ay uunahin ang mga nahuhuli, mga nasasantabi, mga naiiwan o napapabayaan. Ang nahuhubog ayon sa puso niya ay natututong magmahal na katulad niya, handang mag-alay ng buhay para sa minamahal.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 20,672 total views

 20,672 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,328 total views

 35,328 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,443 total views

 45,443 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 55,020 total views

 55,020 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,009 total views

 75,009 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,128 total views

 7,128 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,258 total views

 9,258 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,257 total views

 9,257 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,259 total views

 9,259 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,255 total views

 9,255 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,127 total views

 10,127 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,329 total views

 12,329 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,362 total views

 12,362 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,716 total views

 13,716 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,812 total views

 14,812 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,020 total views

 19,020 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,739 total views

 14,739 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,108 total views

 16,108 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,370 total views

 16,370 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,063 total views

 25,063 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top