2,274 total views
Hamon sa bawat Filipino na ipagpatuloy ang pakikibaka para sa tunay na Kalayaan, katarungan at kapayapaan sa lipunan.
Ito ang tuwinang pagpapaalala sa mga Filipino ng taunang paggunita ng araw ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio na tinagurian bilang Father of the Philippine Revolution at isa sa mga bayani na nagsulong ng kasarinlan ng bansa laban sa pananakop ng mga Espanyol mahigit 100-taon na ang nakakalipas.
“He led really the revolution ng pagbabago, yung KKK siguro so every time we celebrate Bonifacio we remember him as someone a great nationalist, who was leading the revolution against the imperial or colonial Spain, so he is known also every time we celebrate November 30th we also remember the unfinished revolution or the unfinished struggle of the Pilipino people at that time for freedom, for independence, for autonomy…” ayon kay Fr. Buenafe, O.Carm. sa panayam nbg Radio Veritas.
Paliwanag ng Pari na siya ring executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) si Gat Andres Bonifacio ay isang inspirasyon sa patuloy na pakikibaka para sa kapakanan ng taumbayan mula sa iba’t ibang suliraning panlipunan at kawalan ng katarungan sa bayan.
Binigyang diin naman ni House Speaker Martin Romualdez na nakatatak sa bawat Filipino ang pagiging bayani tulad ni Gat Andres Bonifacio dahil nananalaytay sa dugo ng bawat Pilipino ang pagiging makabayan.
Sa paggunita sa ika-159 kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio inihayag ni Romualdez na likas sa bawat isa ang pagmamahal sa bayan na nakikita sa pagmamahal sa pamilya, komunidad at sa bayan.
“Bonifacio’s ideals are in all of us, and patriotism runs in the blood of every Filipino. Love of country is an innate trait we all share, and this manifests in how we protect our families, our communities and our way of life.” ayon kay Romualdez.
Hinikayat din ni Romualdez ang publiko na magkaisa para sa sama-samang pagbangon ng bansa at pagharap sa mga pagsubok katulad ng pandemya at krisis pang-ekonomiya.
Ayon pa sa mambabatas, mahalagang alalahanin ang kabayanihan at sakripisyo ni Andres Bonifacio para makamit ng Pilipinas ang kalayaang tinatamasa sa kasalukuyan.
Una na ring inihayag ni dating CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles na bukod sa pagkilala sa mga nakaraang bayani, marapat ding bigyan pugay ang mga bayani ng kasalukuyang panahon na walang pag-iimbot na nagtatanggol sa bayan lalo na sa panahon ng pagsubok.
(with Marian Navales-Pulgo)