155 total views
Bubuuin ng tatlong bahagi ang “2017 Year of the Parish as Communion of Communities” na una ng inilunsad noong unang Linggo ng Advent.
Ayon kay Fr. Amado Picardal, executive secretary ng CBCP Basic Ecclesial Communities, kabilang sa mga aktibidad ang formation, celebration at legacy projects na may kaugnayan sa Ebanghelisasyon.
Nakatakda naman ang malakihan at sabay-sabay na pagdiriwang ng Year of the Parish sa June 11, 2017 sa ibat-ibang dioceses sa bansa ng lahat ng mga parokya para ipagdiwang ang communion of communities.
“During the whole year what we expect ay 3 components, formation, celebration and legacy projects, so expect na maraming activities ang mga parokya in relation to evangelization. Ang nationwide simultaneous celebration is June 11, 2017 that is Trinity Sunday, lahat ng parokya are expected to observe that day as the Year of the Parish at may mga pagtitipon niyan. Kaya nga we are providing what we call mga evangelization and formation modules for every parish na magagamit nila para sa mga members ng parish at ma-vitalize at ma-form ng tama ang mga BEC,” pahayag ni Fr. Picardal sa panayam ng Radyo Veritas.
Una ng isinagawa ang 3-day National Gathering of Diocesan BEC Directors at mga Coordinators nito sa Diocese ng Malaybalay Bukidnon noong November 28-30, 2017 na nilahukan ng 75 dioceses at kanilang mga delegado na nasa 179 ang bilang na kumakatawan na sa bawat isang diocese ay may isang BEC director (priest in-charge) at isang BEC coordinators (lay o madre).
Layunin ng Year of the Parish na hikayatin ang lahat ng mga Katoliko na makisangkot sa lahat ng gawain ng kanilang BECs kasama na ang pakikiisa sa misyon ng Simbahan.
November 26, 2016 pinangunahan naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang paglulunsad ng Year of the Basic Ecclesial Communities (BEC) sa isang Banal na Misa sa Aquinas School Gymnasium sa San Juan City.
Ang Taon ng BEC ang ika-5 sa siyam na taong paglalakbay ng Bagong Evanghelisasyon bilang Katolikong Simbahan sa bansa kaugnay na rin ng 500th taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.
Ayon pa kay Fr. Picardal, kabilang sa porma ng BEC ang chapel centered sa mga barangay, purok o sitio kasama na rin dito ang pag-usapan ang mga suliranin ng komunidad maging ng buong bansa at kung paano makikibahagi ang BEC sa solusyon.
“Actually there are 3 shapes or forms of BECs, isa ang chapel centered na lahat ng Catholics within the barangay or Sitio or Purok na may chapel they are considered as part of the BECs, lahat ng activities na nangyayari sa kanilang chapel, may ibang malalaking brgy, purok na subdivided sila into family groupings, though may activities pa rin sa chapel pero karamihan ng activities dito sa bahay-bahay. Third, yung walang chapel talaga, karamihan family groupings like 8-12 groupings all together sila especially sa mga misa at assembly, one of the activities nila ay ang weekly gathering to reflect on the Bible at paano ito inaapply sa kanilang buhay, they pray also and may devotional activities rin like novena, rosary at monthly Masses at social action components, kaya anumang problemang hinaharap nila economic, social political they do something about it at may mga programa like livelihood, income generating, para sa environment, respond sa problema sa drugs, like EJK, that will depend on the program,” ayon pa sa pari.
Ayon sa CBCP-BEC, 90 porsiyento na ng mga diocese sa bansa ang may BECs na.
http://www.veritas846.ph/national-gathering-ng-diocesan-bec-directors-coordinators-isinasagawa/