278 total views
Ito ang mensahe ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes kasabay na rin ng paanyaya sa lahat ng mananamapalataya na makiisa sa isasagagawang ‘Walk For Life’ ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity sa ika-24 ng Pebrero 2018 sa Quirino Grandstand.
Giit ni Bishop Bastes, bukod sa buhay ng tao mahalagang pangalagaan ang kalikasan dahil ang bawat isang nilalang ay may kaugnayan.
“Kung wala ang kalikasan, hindi naman mabubuhay ang tao. Kaya ang lahat ng nilalang ng Diyos kalikasan, mga tao, mga hayop at iba pa bigyan ng respeto. Nang lahat ng ito ay nilalang ng Diyos may kaugnayan sa lahat. Tayong lahat may kaugnayan, dahil tayo ay nilalang ng Diyos. Dahil ang Diyos ang tunay na pag-ibig,” ayon kay Bishop Bastes.
Pinaalalahahan ng Obispo ang lahat na igalang ang buhay na biyayang mula sa Panginoon.
“Ito ang unang dulot ng Panginoon para atin, kaya mahalaga ang buhay ng tao. Dahil si Kristong nagpadigdi sa sanlibutan tanganing ibigay ang buhay sa kabuuhan ng buhay, buhay na walang hanggan at maski na ang buhay dito sa sanlibutan. Kaya mahalaga sa ating pamahalaan magrespeto sa buhay ng lahat ng mga tao, lahat ng mga Filipno. Wala sanang ejk, abortion, euthanasia, birth control na nakakasira sa buhay ng tao. Kaya tayong mga kristiyano, lalu mga katoliko na may importante na mensahe ang simbahan na sa panahon ngayon the critical time para sa buhay hindi lamang ang buhay ng tao kundi pati buhay ng kalikasan,” ayon pa sa mensahe ng Obispo.
Ang pagtitipon ay isasagawa sa February 24, 2018 alas-4 ng umaga sa Quirino Grandstand Parade Ground.
Isang misa pasasalamat din ang isasagawa na pangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Una na ring nanawagan ang kaniyang Kabanalan Francisco na isang kasalanan ang pagsira ng kalikasan na magdudulot ng kapahamakan sa mamamayan.
Taong 2013 nang manalasa ang bagyong Yolanda sa Eastern at Central Visayas na nagdulot din ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa kung saan hingi sa 6,000 katao ang nasawi.