432 total views
Hindi mahihinto ang pagsusulong ng Basic Ecclesial Community (BEC) sa buong bansa sa pagtatapos ng Year of the Parish as Communion of Communities.
Ito ang binigyang-diin ni CBCP Episcopal Commission on Basic Ecclesial Communities chairman at Diocese of Malaybalay, Bukidnon Bishop Jose Cabantan.
Tiniyak ni Bishop Cabantan na pa lamang ang simula upang mas higit na itaguyod ng simbahan ang bukluran ng maliliit na sambayanang Kristiyano na nagsisilbing plataporma upang mas mapalapit ang mga mananampalataya sa Panginoon habang umaagapay sa mga higit na nangangailangan.
“We are continuing the formation of our BEC’s. In our diocese, we are also preparing our Golden Jubilee in the diocese this coming 2019 to 2020. All BEC’s and prishers will be animated in mission so that the celebration will be more meaningful and significant,” pahayag ni Bishop Cabantan.
Ibinahagi pa ng Obispo na ang BEC rin ang magiging katuwang ng mga parokya sa pagdiriwang ika-50 taong anibersaryo ng Diyosesis ng Malaybalay.
Samantala una nang inihayag ni Bishop Cabantan na malaking papel ang ginagampanan ng BEC sa kanilang Diyosesis upang suportahan yaong mga naisasantabi sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng ‘dayong’ o maliit na kontribusyon sa mga ito.
READ: BEC, magtataguyod sa pangangailangan ng mga mahihirap
Sa pagtatapos ng Year of the BEC’s sa ika-30 ng Disyembre, opisyal namang ilulunsad ng simbahang katolika ang Year of the Clergy and Consecrated Persons sa ikatlong araw ng Disyembre kasabay ng Advent Sunday.