Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 36,329 total views

Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya.

Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga tagasunod ni Kristo dito sa atin—bilang mayorya ng ating populasyon ay Katoliko—inaanyayahan tayong mga mananampalatayang gunitain ang dugong dumaloy kay Hesus at sa mga taong inusig at pinatay dahil sa kanilang pagsunod at pagtatanggol sa ating Panginoon. Kaya nakapula ang ilang nasa mga nasa Simbahan ngayon o kaya naman ay iniilawan ng pulang ilaw ang harapan ng mga Simbahan. May pangalawang koleksyon din sa mga misa sa araw na ito. Mapupunta ito sa mga proyekto ng ACN na tumutulong sa mga lugar kung saan inuusig ang mga Kristiyano. Makiisa po tayo, mga Kapanalig.

Kung may isa pang paraan upang gunitain ang pag-aalay ni Hesus ng Kanyang buhay at ng mga Kristiyanong naninindigan para sa kanilang pananampalataya, ito ay ang pagbubukas ng ating mga puso sa ating kapwa. Gaya ng itinanong ng isang dalubhasa sa kautusan kay Hesus—isang tagpong mababasa natin sa Ebanghelyo ni San Lucas 10:29—itatanong din natin marahil, “Sino naman ang aking kapwa?”

Nitong nakalipas na mga buwan—mula nang magsimula ang panahon ng tag-ulan hanggang ngayong nagsisimula nang umiral ang hanging amihan—sunud-sunod na mga bagyo ang tumama sa ating bansa. Mula sa Bagyong Carina noong Hulyo hanggang sa Bagyong Pepito noong nakaraang linggo, napakaraming kababayan natin ang tila hindi pinagpahinga mula sa mga kalamidad. Nakapanghihina ng loob ang mga balita tungkol sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng mga ito—mga nawalan ng bahay, mga binaha at wala nang mabalikang tirahan, mga magsasakang nanlumo sa pagkasira ng kanilang mga pananim, at mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay. Maaaring may kamag-anak kayong direktang naapektuhan ng mga bagyong ito, o baka kayo mismo ang nakaranas ng mga kalamidad. 

Sila ang mga “kapwa” nating nangangailangan ng tulong.

Bagamat naapektuhan tayo rito sa Metro Manila ng mga naunang bagyo, mapalad tayong malayo sa kinakatakot ang naging epekto ng magkakasunod na bagyo ngayong buwan. Pero ito sana ang mag-udyok sa ating tumulong sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng bagyo. Sabi nga, inilihis sa atin ang mga dumaang super typhoon para magawa nating tulungan ang nasa 1.8 milyong Pilipinong naapektuhan ng napakasamang lagay ng panahon. Siyempre, nariyan naman ang gobyernong may pangunahing tulungan ang mga nasalanta, pero huwag nating iwan lamang sa kanila ang trabaho para ibangon ang mga kababayan natin. Kasama ang ating Simbahan sa pag-aabot ng tulong sa kanila. 

Ang pag-aabot ng tulong sa ating “kapwa,” sa abot ng ating makakaya, ay paraan ng pagsasabuhay ng ating pananampalatayang Kristiyano. Malikhaing paraan din ito ng pagtatanggol sa ating pananampalataya—hindi nangangailangang buhay natin ang maging kapalit pero sa pagbubukas natin ng ating puso sa ating kapwa, may bahagi ng ating buhay na naibabahagi sa iba. Sabi nga sa Catholic social teaching na Dilexit Nos, ang pagsaksi nating mga Katoliko sa katotohanan sa ating paligid, nababahagi natin ang pag-ibig sa puso ng ating kapwa para maitatag ang isang lipunang makatarungan, mapayapa, at nagkakaisa. Sa tuwing sinusubukan nating tulungan at alagaan ang ating kapwa, nasa tabi natin si Hesus.

Mga Kapanalig, ngayong Red Wednesday, alalahanin natin ang mga martir para sa ating pananampalataya. Maudyukan din sana tayo ng pananampalatayang ito para buksan ang ating puso sa ating kapwa. Pinipili natin sa ating pagtulong. Pinaninindigan natin ang ating pananampalataya sa ating pagiging bukas-palad.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Agri transformation

 15,010 total views

 15,010 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 26,056 total views

 26,056 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »

Political Mudslinging

 30,856 total views

 30,856 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »

Buksan ang ating puso

 36,331 total views

 36,331 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 41,791 total views

 41,791 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agri transformation

 15,011 total views

 15,011 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 26,057 total views

 26,057 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Political Mudslinging

 30,857 total views

 30,857 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 41,792 total views

 41,792 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tigilan ang karahasan sa kababaihan

 36,579 total views

 36,579 total views Mga Kapanalig, ngayong Nobyembre 25, ipinagdiriwang ang International Day to Eliminate Violence Against Women. Ginugunita ito sa Pilipinas sa bisa ng Republic Act No. 10398. Sa araw na ito, maging mas maláy sana tayo sa pamamayagpag ng iba’t ibang porma ng karahasan laban sa kababaihan. Maraming uri ang violence against women. Ilan sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 55,093 total views

 55,093 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Government Perks

 64,093 total views

 64,093 total views Kapanalig, 34-araw na lamang at ipagdiriwang na naman natin ang Pasko…Ang pasko ay dapat pagdiriwang sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesus… Pero sa mayorya ng mga tao sa mundo, ito ay panahon ng pagbibigayan ng mga regalo. Nawawala na ang tunay na diwa ng pasko, sa makabagong panahon, ito ay nagiging commercial na…hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 65,804 total views

 65,804 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 6,190 total views

 6,190 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 80,456 total views

 80,456 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 90,568 total views

 90,568 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 100,140 total views

 100,140 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 120,126 total views

 120,126 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 52,944 total views

 52,944 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 47,282 total views

 47,282 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top