477 total views
Ang pag-ibig ng Diyos Ama, Anak at Epiritu Santo para sa sangkatauhan ang dapat na pamarisan ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa tao.
Ito ang binigyang diin Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples kaugnay sa walang hanggang pag-ibig ng Panginoon sa sanlibutan.
Ayon kay Cardinal Tagle, ang pag-ibig ng Diyos Ama, Anak at Epiritu Santo ang dahilan ng paglikha sa sanlibutan at pagpapabanal sa sangkatauhan bilang katiwala sa mga biyayang ipinagkaloob ng Panginoon.
“The love of God the God who is love, God who is trinitanial love shows that love in their common action of love it is not self contained, it is loving others, creating others out of love, creating the world, incarnation, saving humanity, sanctifying people, sanctifying the earth, recreating the earth.” pahayag ni Cardinal Tagle.
Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na kasabay ng pananampalataya sa Diyos Ama, Anak at Epiritu Santo ay tapat na maging bukas ang puso at diwa ng bawat isa upang maging tunay na saksi at daluyan ng pag-ibig ng Panginoon sa kapwa at sa buong daigdig.
“As we praise and worship God who is love, one God in three persons let us take to heart how the trinity acts in us and in our community and let us follow the lead of the three persons working in us and in the community so that we can give a true witness to the world of true love.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Iginiit ni Cardinal Tagle, higit na kinakailangan ng daigdig ang tunay na pagmamahal lalo na sa gitna ng mga maling pakahulugan at pagpapamalas ng pagmamahal.
Pagbabahagi ng Cardinal, mas higit na dapat mapaghari ang pagmamahal ng Panginoon sa sanlibutan sa pamamagitan ng Diyos Ama, Anak at Epiritu Santo.
“The world is in need of true love, love is adulterated, love is mangled, love is distorted but this day we are called to behold God who is love, trinity let us worship, let us receive this God and let us remain in God the most Holy Trinity.” Ayon pa kay Cardinal Tagle.