Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buksan ang puso at isipan sa Panginoon-mensahe ng CBCP-ECSC sa ika-57 World Day of Social Communications

SHARE THE TRUTH

 1,813 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na buksan ang puso at isipan sa Panginoon upang maibahagi ang mabuting balita sa pamayanan.

Ito ang mensahe ni CBCP Episcopal Commission on Social Communications Chairman, Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa pagdiriwang ng ika-57 World Day of Social Communications sa May 21.

Ayon sa obispo bilang binyagang kristiyano ay tungkulin ng bawat isa na ipahayag at ipakilala si Hesus sa lahat ng dako lalo na sa mga taong walang pananampalataya.

“We are purveyors of the message of God, we are the preachers of good news. So sana po on World Communications day, one, you open yourself to the spirit of God; two, you begin to preach the good news of God,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang ‘Speaking with the Heart’ na hango sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga Efeso kung saan kinakailangang mangusap ang mga mnisyonero mula sa puso upang tumimo sa pamayanan ang diwa ng pag-ibig ni Kristo sa sanlibutan.

Batid ni Bishop Maralit na malaking hamon ang kinakaharap ng lipunan sa larangan ng komunikasyon kaya’t nararapat na paigtingin ang misyon ng simbahan na dalhin si Kristo sa pagbabahagi ng mensahe sa kapwa.

“If we look deeply into what we have now, the world is so divided, communication has lost heart, it has lost faith, kaya itong ginagawa natin sa social communications ministry is an act of evangelization talaga, bringing God back to communication,” giit ng obispo.

Apela ni Bishop Maralit sa mananampalataya na maging mapagmatyag sa pagbabahagi ng anumang uri ng impormasyon sa social media at isaisip kung ito ay naaayon sa misyon ni Hesus na ipalaganap ang katotohanan.

Sinabi ng opisyal na gamitin sa mabuting paraan ang mga platform upang matiyak na naibahagi sa lipunan ang mabuting balita.

“Use whatever is now present sa atin na means of communications for good and I believe that is what the intentions of the World Communications Day is, for all of us Catholics and believers that we are all called to preach the good news of God,” dagdag ni Bishop Maralit.

Sa mensahe ng Santo Papa Francisco sa pagdiriwang ngayong taon hamon nito sa mananampalataya na pakinggan ang bawat kasapi ng komunidad sapagkat sa pamamagitan ng komunikasyon ay naisasabuhay ang simbahang nagbubuklod sa paglalakbay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 14,650 total views

 14,650 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 25,192 total views

 25,192 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 33,632 total views

 33,632 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 49,451 total views

 49,451 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 56,426 total views

 56,426 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »
12345

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

 426 total views

 426 total views Mamamahayag, kinilala ng Obispo Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga

Read More »
1

Latest Blogs

1