374 total views
Nagsisilbing paalala ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan ang Banal at Dakilang Puso ni Hesukristo.
Ito ang mensahe ni Father Jayson Laguerta – Kura Paroko ng Sacred Heart Parish, Sta. Mesa Manila noong June 26 sa paggunita ng ika-106 taon na pagkakatag ng simbahan.
“Buksan ang iyong puso para tanggapin ang puso ni Hesus, tularan ang kaniyang halimbawa na ipinakita niya ang kaniyang puso, hindi itinago ganun din ang hamon sa bawat Kristiyano, huwag itago ang puso, huwag itago ang malasakit, huwag itago ang pag-ibig, pagpapatawad sa kapwa ito yung unang dapat gawin, isuko italaga ang itong puso sa Mahal na Puso ni Hesus,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Laguerta.
Kaugnay ng kapistahan ng Parokya, naging paalala rin ni Father Laguerta sa bawat mananampalataya na sa pamamagitan ng pagmamahal ni Hesus ay ipadama sa kapwa ang pag-ibig ng Diyos.
“Paalala po sa inyong lahat, sa ating mga kapanalig mga kapatid, ako laging sinasabi namin dito sa parokya sa Sacred Heart, you are the love of the heart of Jesus we are the love of the heart of Jesus if only we can do that every day to be the love of the heart of Jesus we can make a difference in the world,” paalala rin ng Pari
Ang Sacred Heart Parish sa Sta. Mesa ay naitatag noong 1911 at ang kauna-unahan simbahan na itinalaga sa Banal at Dakilang Puso ng Panginoong Hesukristo.