191 total views
Hinikayat ni Dumaguete, Negros Oriental Bishop Julito Cortes ang mananampalataya na palagiang mangumpisal.
Ayon sa obispo, ito ay isang sakramento na tumutulong sa atin na higit pang pakikipag-ugnayan sa Panginoon.
“It is good for us spiritually. It is also good for us mentally and psychologically. Hindi ba yung pagnakapag-pour out tayo sa whatever dirt we have because there is healing in that,” ayon kay Bishop Cortes.
Paliwanag pa ni Bishop Cortes na siya ring chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Committee for the Cultural Heritage of the Church ngayong panahon ng kuwaresma at semana santa nawa ay sikapin ng bawat isa na makapangumpisal para sa pagpapanibago at pakiisa sa paggunita ng buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ng ating manunubos na si Kristo.
“Importanteng-importante ang confession dahil they restore our relationship with God that has been broken because of sin. Di ba nagkakasala naman tayo lahat? That’s why we need that broken bound to be restored and that is what confession does,” ayon pa sa Obispo.
Ayon sa batas ng simbahan, kinakailangan ang pangungumpisal isang beses sa loob ng isang taon.
Gayunman ayon kay Bishop Cortes mas makakabuti na isagawa ito ng higit pa nang sa gayun ay mas mapalapit sa Panginoon at maging mulat sa ating mga nagagawang pagkakasala nang hindi na maulit pa.
“We need continued sincere confession because the Lord hear our hearts,” ayon kay Bishop Cortes.
Muli namang inilunsad ng kanyang kabanalan Francisco ang ika-limang taon ng 24 hours for the Lord sa Vatican na may temang “With You is Forgiveness” kung saan hinikayat din ang lahat ng simbahan sa buong mundo na maging bukas sa publiko sa loob ng 24 na oras para sa ‘adoration at confession’ na isasagawa sa March 23-24.