2,635 total views
Suportado ng Living Laudato Si’ Philippines ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa inilabas na apostolic exhortation na Laudate Deum.
Layunin ng Laudate Deum na suportahan ang ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si’, at higit na ipaunawa ang mga dapat tugunan sa paglalakbay tungo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan mula sa labis na pang-aabuso at pinsala.
Ayon kay LLS Philippine executive director Rodne Galicha, kailangan nang matugunan at mahinto ang paulit-ulit na dahilan ng mga pinuno mula sa mga pampubliko at pribadong sektor na isinasantabi ang tungkuling pahalagahan ang kalikasan para sa pansariling kapakinabangan.
“Whether you listen to science, faith, or economics, they all say the same exact message: the current “business-as-usual” culture, marked by fossil fuels, pollution, prioritization of profit over people and planet, and more, will simply lead to catastrophes which any amount of neither money nor power would stop.” pahayag ni Galicha.
Inihayag naman ni Galicha ang kahalagahan ng paglipat at pamumuhunan sa malinis na enerhiya, at talikuran na ang fossil fuels na nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran upang mapigilan ang tuluyang pag-init ng daigdig na nagreresulta sa krisis sa klima.
Iginiit din nito ang pagpapanagot sa mga industriyang nangunguna sa paglikha ng polusyon at pinsala sa kapaligiran tulad ng pagmimina, at pagsira sa kabundukan at kagubatan kaya higit pang lumalakas ang mga kalamidad at sakunang dumadaan sa bansa.
“This takes on an even greater significance for the Philippines, which experienced the wrath of super-typhoon Haiyan nearly ten years ago and changed how Filipinos and the rest of the world view [loss and damage] as an issue.” saad ni Galicha.
Panawagan din ni Galicha ang pangunguna ng simbahan sa nalalapit na United Nations Climate Change Conference of Parties o COP28 Summit sa Dubai sa Nobyembre hanggang Disyembre upang makibahagi sa paglikha ng mga panuntunang magtataguyod laban sa pagbabago ng klima.
Isinapubliko ang Laudate Deum noong ikaapat ng Oktubre, kasabay ng kapistahan ng patron ng sangnilikha na si San Francisco ng Asis, at pagtatapos ng paggunita sa Season of Creation.