Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

SHARE THE TRUTH

 83,814 total views

Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at kaugalian. 

May halos 17 milyong katutubo sa Pilipinas. Binubuo nila ang nasa 12% hanggang 15% ng ating populasyon. Kabilang sila sa mahigit 110 na ethno-linguistic groups at matatagpuan sa 65 na probinsya. Ayon sa National Commission on Indigenous Peoples (o NCIP), karamihan o 63% sa kanila ay nasa Mindanao; 34% ay nasa Luzon at 3% naman ay nasa Visayas. 

Kinikilala ang mga katutubo bilang pinakamahuhusay na tagapagtanggol ng ating kalikasan. Sila ay tinaguriang “on-site stewards” sa pagprotekta sa ating mga likas na yaman. Sa Pilipinas, ayon sa United Nations Development Programme, halos 1:1 ang ratio ng Key Biodiversity Areas (o KBA o mga lugar na itinalaga bilang sagana sa iba’t ibang nilalang) at ng ancestral domains (o mga lupang ninuno ng mga katutubo). Ibig sabihin, malalim na magkaugnay ang KBA at ang presensya ng mga katutubo sa mga lugar na ito. Dagdag pa rito, may mga KBA sa bansa na hindi pa itinatalagang protected area ngunit ancestral domain. Ang mga kaalaman, sistema ng pamumuhay, at kaugalian ng mga katutubo ay malalim na nakaugat sa kanilang kultura at paniniwala. 

Gayunman, patuloy na isinasantabi ang mga katutubo. Tinalakay natin sa isang editoryal kamakailan ang kuwento ng mga katutubo sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan. Noong Hunyo, sinugod at pinalalayas sila ng mga armadong lalaki. Ayon sa mga katutubo, ang mga lalaki ay tauhan ng San Miguel Corporation na may itinatayong tourism area doon. Itinanggi naman ito ng korporasyon. 

Hanggang ngayon, nasa Metro Manila ang ilang katutubo mula sa Bugsuk. Patuloy silang nakikipagpulong sa mga ahensya ng pamahalaan. Bumibisita sila sa mga paaralan at nakikipag-usap sa mga NGO para ipaalam ang kanilang laban at para humingi ng suporta. Gusto nilang itigil na ang marahas na pagtataboy sa kanila sa isla nang payapa silang makapamuhay doon. 

May tatlong pangunahing dahilan sa likod ng panawagan ng mga katutubo mula sa Bugsuk. Una, para sa kanila, ang lupa at dagat ay buhay. Sa mga ito nakasalalay ang kanilang kabuhayan gaya ng pagsasaka at pangingisda. Pangawala, kakabit ng kanilang pagkakakilanlan (o identity) at kultura ang isla at lupang ninuno. Anila, ito ang kanilang pinagmulan at ito ang kanilang magiging kinabukasan. Panghuli, ipinaglalaban lamang nila ang kanilang mga karapatan. Maninindigan daw sila para sa kanilang karapatan sa lupaing ipinasa sa kanila ng kanilang mga ninuno at nais na ipasa sa susunod nilang salinlahi.

Ang mga dahilang inilatag ng mga katutubo sa Bugsuk ay alinsunod sa mga turo ng Simbahan. Naniniwala ang ating Simbahan na ang ugnayan ng mga katutubo sa kanilang lupain at kapaligiran ay pundasyon ng kanilang pagkakakilanlan. Batid ng Simbahan ang mga banta ng mga makapangyarihang interes na kinakamkam ang mga lupaing ninuno at isinasantabi ang mga karapatan ng mga katutubo. Kaya’t kasama ng mga katutubo, nananawagan din ang ating Simbahan na protektahan at kilalanin ang karapatan nila.

Mga Kapanalig, pakinggan natin ang paalala sa Mga Kawikaan 31:8: “Ipagtanggol natin ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan.” Ngayong Buwan ng mga Katutubong Pilipino, pakinggan natin ang boses ng mga kapatid nating katutubo. Pahalagahan, pangalagaan, at parangalan natin sila. Mag-uumpisa ito sa pagkilala, lalo na ng gobyerno, sa kanilang mga karapatan. Sa ganoong paraan, magiging makabuluhan ang pagdiriwang na ito para sa kanila. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 7,243 total views

 7,243 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 21,899 total views

 21,899 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 32,014 total views

 32,014 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 41,591 total views

 41,591 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 61,580 total views

 61,580 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 7,244 total views

 7,244 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,389 total views

 1,389 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 21,900 total views

 21,900 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 32,015 total views

 32,015 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 41,592 total views

 41,592 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 61,581 total views

 61,581 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 46,580 total views

 46,580 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 41,605 total views

 41,605 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,174 total views

 45,174 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 57,629 total views

 57,629 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 68,696 total views

 68,696 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,015 total views

 75,015 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 79,627 total views

 79,627 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,187 total views

 81,187 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 46,748 total views

 46,748 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top