400 total views
Nanindigan ang Coalition Against Death Penalty sa pagsusulong ng katarungang panlipunan sa bansa na tugma sa ipinagkakaloob na habag at awa ng Panginoon para sa sangkatauhan.
Ito ang binigyang diin ni Coalition Against Death Penalty President Fr. Junjun Borres, SJ kaugnay sa paggunita ng Death Penalty Abolition Week Celebration ngayong taon kung saan ginugunita ang ika-15-taon mula ng binuwag ang batas sa pagpapataw ng parusang kamatayan sa bansa.
“We at the Coalition Against Death Penalty will also really strengthen about putting forward of pursuing justice that is compatible with mercy and compassion.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Junjun Borres, SJ.
Ayon sa Pari, hindi magsasawa at mapapagod ang kowalisyon katuwang ang Simbahan at ibang anti-human rights advocates na isulong ang pagtataguyod ng katarungang panlipunan na naglalayong mapaghilom ang lahat mula sa epekto ng pagkakasala.
Paliwanag ni Fr. Borres, higit na dapat na manaig ang restorative justice sa bansa hindi lamang para sa mga biktima kundi maging sa mga nakagawa ng kasalanan laban sa kanyang kapwa.
Giit ng Pari, mahalagang mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang lahat upang makapagsisi sa kanilang nagawang kasalanan, at makapagbagong buhay.
“Ating isusulong yung pagtataguyod ng katarungan na may paghilom sa lahat, hindi lamang sa mga biktima kundi pati na rin sa mga nagkasala at ito po yung ating [sinasabing] restorative justice heals, at sa amin sa CADP ginawa naming panibagong pagkakataon yan, we opposed in death penalty because we believe in second chances not just rooted in our faith as Christians but I think we recognized that people can change for the better.” Dagdag pa ni Fr. Borres.
Pagbabahagi pa ng Pari, mahalagang maisulong ang pagkakaroon ng kultura ng buhay at pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga nagkasala na kapwa tinatapos ng parusang kamatayan.
Ayon kay Fr. Borres, hindi dapat na ipagkait sa sinuman ang pagkakataong muling mapagbagong buhay at muling maging bahagi ng lipunan.
“We are trying to build this culture of life and this culture of second chances, when we have that then the death penalty will become really irrelevant, there’s a place to pursue in society that gives a chance for all to redeem themselves and become productive members of the society.” Ayon kay Fr. Borres.
Nasasaad sa Republic Act 9346 – An Act Prohibiting the Imposition of Death Penalty in the Philippines na nilagdaang batas ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong June 24, 2006 ang opisyal na pagbubuwag ng batas na nagpapataw ng parusang kamatayan sa Pilipinas.