2,822 total views
Nakikipag-ugnayan na ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) sa mga parokyang saklaw ng arkidiyosesis kasunod ng 6.2 magnitude earthquake ngayong umaga.
Ayon kay LASAC program coordinator Paulo Ferrer, nakaantabay ang komisyon sa mga ulat ng pinsala sa Batangas kaugnay ng pagyanig.
“So far, mga students na masama ang pakiramdam dahil sa pagkahilo ang reports… Continuous ang coordination natin sa parishes as we expect aftershocks.” ayon kay Ferrer sa panayam ng Radio Veritas.
Batay sa ulat ng PHIVOLCS, naitala ang 6.2 magnitude earthquake sa bahagi ng Calatagan, Batangas bandang alas-10:19 ngayong umaga. Ito ay may lalim na 130 kilometro at tectonic ang pinagmulan habang naramdaman naman ang Intensity IV sa Quezon City.
Sinabi naman ni Office of Civil Defense Joint Information Center chief Diego Agustin Mariano na wala pang natatanggap na ulat ang ahensya ng malaking pinsala sanhi ng malakas na pagyanig habang pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat at maging handa sa posibleng aftershocks.
“As of now, no major damage or casualties as of reporting time, assessment still ongoing.” ayon kay Mariano.
Bukod sa lindol, binabantaya din ng Phivolcs ang kalagayan ng Bulkang Taal na kasalukuyang nasa Alert level 1 status.
Matatagpuan ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire o kilala rin bilang typhoon belt, na bahagi ng karagatang Pasipiko kung saan nagaganap ang karamihan sa mga paglindol at pagputok ng bulkan.