2,078 total views
Pinasalamatan ni Camillian Fr. Dan Cancino si Health Undersecretary Dr. Maria Rosario Vergeire sa maikling panahong pamumuno sa Department of Health.
Ayon kay Fr. Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care, naging makabuluhan ang halos isang taong pagiging Health officer-in-charge ni Vergeire lalo na sa panahon ng pandemya.
Kabilang na ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng DOH, mga lokal na pamahalaan, pamayanan, at iba’t ibang grupo at institusyon para mapabuti at mapalawig ang serbisyo ng kalusugan sa bansa.
“I thank Dr. Rosette Vergeire for leading the Department for the past months with true and inspiring commitment and vigor. Her love for the sick and strong conviction in building partnerships is a shining light in the health system of our country,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.
Sa pagtatapos ng termino ni dating Health Secretary Francisco Duque III, pansamantalang pinamunuan ni Vergeire ang DOH mula July 14, 2022 hanggang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Dr. Ted Herbosa bilang bagong kalihim ng kagawaran.
Taong 2015 nang magsilbi bilang DOH Spokesperson si Vergeire sa administrasyon nina dating Pangulong Benigno Aquino III at Rodrigo Duterte.
Mananatili naman si Vergeire bilang DOH Undersecretary for Public Health Services Team (PHST).