250 total views
Isang inspirasyon sa mga Katoliko ang “integral spirituality” ni Mother Teresa lalo na sa paghahayag ng awa at habag sa kapwa sa makabagong panahon.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, malaking hamon sa lahat ang pagkakaroon ng integral spirituality para sa isang integral evangelization na kailangan ng ating panahon.
Inihayag ng Obispo na kailangan sa makabagong ebanghelisasyon ay magawa natin ang prophetic priestly at shepherding mission na ginawa ni Mother Teresa noong siya ay nabubuhay pa.
Sinabi ni Bishop Cabantan na napatunayan ni Mother Teresa na ang kanyang nakilalang Hesus sa Eukaristiya ay kaparehong Hesus na nakikita niya sa kanyang kapwang pinagsilbihan, minahal at kinalinga.
“What I cannot forget is her spirituality of five fingers. “You did it to me” taken from the gospel of St. Matthew on the works of mercy. This challenges us to an integral spirituality as we respond to the call for integral evangelization. This means fulfilling our prophetic, priestly and shepherding call to mission. For her, the Jesus she encountered in the Eucharist is the same Jesus she encountered in the people she serves. She is our inspiration in our times today,”pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.
Itinuturing naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos na malaking inspirasyon para sa mga mananampalatayang Katoliko ang pagiging santo ni Mother Teresa upang mahikayat ang bawat tao na ipagpatuloy ang kanyang sinimulang pagmimisyon dito sa lupa.
Ayon kay Bishop Santos, ito ay isang panawagan sa bawat isa na tularan si Mother Teresa na inialay ang buhay sa paglilingkod sa kapwa lalo na sa mga kapuspalad.
“Mother Teresa is an inspiration and encouragement for us, what she did and lived, we can do and we must continue. What St. Mother Teresa reached: Heaven and being a saint, we can also achieve. And that is like her let us live our life for God, and share our life at service of our brothers and sisters especially the least and lost in the society,” pahayag ni Bishop Santos.
Inihayag naman ni Kidapawan Bishop elect Jose Collin Bagaforo na ito ay patunay ng pagkilala ng Simbahan sa mga ginawa ni Mother Teresa at isang paghahayag ng pag-ibig ng Diyos.
Iginiit ng Obispo na ito ay patunay na mahabangin ang Diyos dahil muli siyang nagbukas ng panibagong daan upang ang mga tao ay magkaroon ng pag-asa at maligtas sa pamamagitan ng kabanalan ni Mother Teresa.
“ First, the recognition that she truly exemplifies the gospel values of simplicity, humility, compassion, & love esp to those marginalized & abandoned.Second, we have a new intercessor to God! That God indeed loves us and He is full of mercy.He has opened a new way for us to Him; her name is St. Teresa of Calcutta! In life, she was a champion for the sacredness of Life! Her life & works are reminders for us that we are all created in God’s image & likeness. Thus, whoever & whatever we have become, dignity & respect belong to everyone,” mensahe ni Bishop Bagaforo.
Si Mother Teresa ay ipinanganak sa Macedonia noong 1910, naging founder ng Missionaries of Charity at ibinuhos ang kanyang panahon sa pag-aalaga sa mga maysakit at mga mahihirap.
Itinatag ni Mother Teresa ang Centers for Blind para sa matatandang may kapansanan at noong 1979 ginawaran siya ng “Nobel Peace Prize” dahil sa kanyang humanitarian work.
Sa ika-apat ng Setyembre 2016, idideklarang santo ng Simbahang Katolika si Mother Teresa sa pangunguna ni Pope Francis sa Vatican.