304 total views
Nangangahulugan at isang malaking paalala sa mga mananampalataya na ang nalalapit na canonization ni Mother Teresa ng Missionaries of Charity ng kahalagahan ng pamumuhay ng simple.
Ayon kay Lingayen-Dagupan Auxiliary Bishop Elmer Mangalinao, sa pamamagitan nito ay pinaalalahanan tayo ng kahalagahan ng pagtingin sa pangangailangan ng kapwa sa pamamagitan ng ating simpleng pamumuhay.
Inihayag ng Obispo na paalala din ito na ang lahat ay tinatawag sa kabanalan na ang pagmamahal ang puso at sentro ng banal na pamumuhay.
Iginiit ni Bishop Mangalinao na ang canonization ni Mother Teresa ay isang paalala sa bawat mananampalataya na gumawa ng kabutihan sa ating kapwa lalu na sa mga nangangailangan at mahihirap sa lipunan.
“Meaning, that we are all reminded of God’s call to holiness; that love is the heart of all holy lives! Challenge is to LIVE A SIMPLE LIFE WHILE BEING MINDFUL OF THE GOOD WE OUGHT TO DO FOR OTHERS!”pahayag ni Bishop Mangalinao.
Nakatakda sa ika-apat ng Setyembre 2016 ang canonization ni Mother Teresa sa Roma na pangungunahan ni Pope Francis.
Si Mother Teresa ay founder ng Missionaries of Charity na kilala sa dakilang pagtulong at pagkukop sa mga mahihirap lalo na ang mga nasa lansangan.
Itinatag ang Missionaries of Charity noong 1950 ni Mother Teresa of Calcutta na ngayon ay mayroong 4,501 religious sisters na aktibo mula sa 256 na mga bansa sa mundo kasama ang Pilipinas.