214 total views
Naging emosyonal ang mga Capuchin Friar na nangangalaga sa incorrupt heart ni Saint Padre Pio dahil sa nasasaksihan nitong masidhing pananampalataya ng mga Filipino.
Ayon kay Fra. Giovanni Delle Carri, OFM Cap., isang pambihira at napakagandang karanasan ang kanilang patuloy na nasasaksihan sa pananatili ng puso ni Santo Padre Pio sa Pilipinas.
Sinabi ni Carri na unang beses pa lamang na inilabas ang puso ng Santo sa Italya at dinala sa Pilipinas na isang Kristiyanong bansa kaya tunay na pambihira ang nakikita nilang debosyon kay Santo Padre Pio at pananalig ng mga mananampalataya sa Panginoon.
“It is a great experience, very beautiful. We are all emotional, I am emotional for the faith of this people of the Philippines and the first time Padre Pio went out of Italy, more than anything else it is the Philippines, a Christian nation. We see the genuineness of the people, the faith, the great faith of this people that honors St. Pio, honors the Lord through the sanctity of Padre Pio.” pahayag ni Fra. Giovanni sa Radyo Veritas.
Tinukoy naman ng pari na katangi-tangi sa mga Pilipino ay ang ipinakikitang pananampalataya ng maraming kabataan.
Naniniwala si Fra. Giovanni na dahil sa matinding pagnanais ng mga kabataan na makita at mahawakan ang puso ni Santo Padre Pio ay tiyak na hihipuin din ito ng Santo at gagabayan sa pamamagitan ng panalangin ang mga kabataang Pilipino.
“I have seen the people, the young, the future of the Philippine people with the desire to touch the mystery through this very humble brother, Padre Pio who is filled with Christ, filled with light. I am really emotional because having seen really young people desiring to touch, and I am sure that the heart of Padre Pio will also touch this generation, this new generation of the Filipino people and there will be fruits.” dagdag pa ng Pari.
Isang prebilehiyo para sa mga Pilipino ang pagdalaw ngayong taon ng incorrupt heart ni St. Padre Pio dahil kasabay nito ay ang pagdiriwang ng ika-100 taon ng pagtanggap ng Santo sa mga sugat ni Hesus o ang stigmata, at ang ika-50 taon naman ng kanyang kamatayan.