362 total views
Hinikayat ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na palaganapin ang misyon sa buong lipunan lalo na sa mga dukha.
Ayon kay CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles kaakibat ng pananampalatayang tinanggap ang pagmimisyon sa pamayanan upang higit na maipakilala ang Panginoon sa bawat isa.
“Our faith calls each of us to do mission – the mission to bring the Good News of the Lord’s mercy and compassion to everyone, especially to the poor and the lowly,” pahayag ni Archbishop Valles sa Radio Veritas
Ang mensahe ng arsobispo ay kasabay ng pagdiriwang ng World Mission Sunday kung saan itinuring itong natatanging pagdiriwang sa Pilipinas ngayong taon kasabay ng 500 Years of Christianity ng bansa.
Kinilala ni Archbishop Valles ang mga dayuhang misyonero na nagdala ng kristiyanismo sa bansa noong 1521 na lalong yumabong sa paglipas ng limang sentenaryo.
“The arrival of the Christian Faith in our islands 500 years ago was a fruit of missionary zeal, a strong sense of mission!” ani ng arsobispo.
Hamon ni Archbishop Valles sa mahigit 80 milyong binyagang kristiyano sa bansa na maging katuwang ng simbahan sa masigasig na pagpapalaganap ng pananampalatayang nakaugat kay Kristo.
Tema sa paggunita ng 500YOC sa bansa ang ‘Missio Ad Gentes’ batay sa paksang ‘gifted to give’ na layong ibahagi pa ng mamamayan ang kaloob na pananampalataya.
“Now, it is our turn to show that we too, after 500 years, are truly Gifted to Give. May the Lord and our Blessed Mother help us to celebrate most meaningfully World Mission Sunday,” ani Archbishop Valles.
Binigyang diin naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang pagdiriwang ng pandaigdigang misyon ay paalala sa mamamayan na ipanalangin at suportahan ang mga misyonero sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na nagsusumikap para maibahagi ang salita ng Diyos.
“Ang World Mission Sunday din ay iminumulat tayo sa gawain ng misyon ng Simbahan, lalo na ng mga misyonerong nagpupunta sa malalayong lugar. Hinihiling ang panalangin at financial support natin para sa kanila,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.
Ipinaalala ng Cardinal sa mamamayan na ang pagparito ni Hesus sa sanlibutan ay isang paanyayang maging misyonero sa kapwa lalo na sa mga munting pamayanan na kinabibilangan.
Bukod sa mga Filipino religious at lay missionaries sa buong daigdig una nang kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mahigit sampung milyong Overseas Filipino Workers na misyonero sa kani-kanilang larangan.
“In particular, we remember today, those who do missio ad gentes; those who leave homes, families and country to bring the Good News to other peoples in foreign lands,” ayon pa ni Archbishop Valles.