441 total views
Inaanyayahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang bawat mamamayan na makiisa sa “Fast today and Feed a child” o ang FAST2FEED Program.
Ang programa na inisyatibo ng Pondo ng Pinoy Community Foundation ay hinihimok ang mga mananampalataya na mag-ayuno simula ngayong araw sa paggunita ng Ash Wednesday at pagsisimula ng Panahon ng Kuwaresma.
Inihayag ni Cardinal Advincula na ang anumang halaga na maiipon sa pag-aayuno at pag-iwas mula sa pagkain ng karne ay ibahaging donasyon sa Hapag-Asa Feeding program upang mapakain ang mga nagugutom at malnourished na bata.
“Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. is calling on your support in participating in the FAST2FEED fund raising campaign.”Fast Today And Feed A Child”– fast from a meal today, Ash Wednesday, and whatever savings you have from your small sacrifice may be donated to the Hapag-Asa Integrated Nutrition Program,” ayon sa liham Pastoral ni Cardinal Advincula.
Buhat ng magsimula ang FAST2FEED program noong pang 2005, aabot na sa mahigit 2-milyong mga bata ang napakain at natulungang magkaroon ng sapat na sustansya ang katawan.
Ang inisyatibong idinadaos sa loob ng anim na buwan ay inilalaan ang pondong 1,200-piso kada benepisyaryo o mahigit sampung piso kada araw upang mapakain ang mga batang kabilang sa programa sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.
“Continued to provide food for over two million children across the nation since 2005. It only takes about P10 a day or P1,200 to continuously feed a child for six months,” ayon pa sa Arsobispo.
Sinabi ng Kardinal na ito ay pagpapatuloy ng mga inisyatibo ng Simbahan upang bigyan ng pagkakataong makapamuhay ng maayos ang mga batang nakakaranas ng labis na paghihirap at sila’y maging bahagi ng pag-unlad sa kanilang paglaki.