453 total views
Ipinagdiwang ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang kanyang ika-70 kaarawan at ika-46 na anibersaryo bilang pari.
Ito ay sa pamamagitan ng misa pasasalamat na ginanap sa sa Lay Formation Center, San Carlos Seminary sa Guadalupe, Makati City na pinangunahan mismo ni Cardinal Advincula.
Naging katuwang naman ng Cardinal sa pagdiriwang ng Misa sina Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.
Dumalo rin sa pagtitipon sina CBCP Vice President Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara; Cubao Bishop Honesto Ongtioco; Novaliches Bishop Roberto Gaa; Novaliches Bishop-Emeritus Antonio Tobias; mga pari, relihiyoso at layko ng Archdiocese of Manila.
Sa pagninilay ni Bishop David, ibinahagi niya ang buhay ni San Pablo na piniling ialay ang buong sarili sa paglilingkod sa Panginoon.
Ayon sa pagninilay ng Obispo, naging makabuluhan ang 70-taon buhay ni Cardinal Advincula gayundin sa 46-taon sa kanyang misyon bilang alagad ni Kristo at pastol ng Simbahan.
“This is what St. Paul is telling us his own life story. He declared and said, yet I lived no longer I but Christ who leaves in me in so far as I now live in the flesh, I live by faith in the Son of God who has loved me and has given up himself for me,” bahagi ng pagninilay ni Bishop David.
Inihayag naman ni Cardinal Advincula na sa mga nakalipas na taon, ipinagdiriwang niya ang kaarawan nang mag-isa na dati ring naging Obispo ng San Carlos at Arsobispo ng Capiz.
Nauunawan din ng Kardinal na bahagi ng pagtanda na mahalaga ang pagdiriwang sa mga okasyon na kasama ang mga kaibigan at pamilya bilang pagpapasalamat sa biyaya ng buhay ng Panginoon.
“70 years of a blessed life, 46 years of loving service as a priest. We serve out of love because we know that we are first and forever mercifully loved by the Lord amid our human failings and frailty…I thank God for the blessing of having you my dear priests as my priests, my sons, my brothers. Thank you for giving me a home in your hearts,” mensahe ni Cardinal Advincula.
Si Cardinal Advincula ay ipinanganak noong March 30, 1952 sa Dumalag, Capiz at inordinahan sa pagkapari noong April 4, 1976 sa ilalim ng Archdiocese of Capiz.
June 24, 2021 naman ng italaga ang Kardinal bilang ika-33 Arsobispo ng Maynila.